"Hector," ani Luigi sabay hawak sa kamay ni Hector at pilit inaalis ang kamay kay Elena. Hindi makagalaw si Elena. Tila pamilyar sa kaniya ang paraan ng paghawak ng lalaking nagngangalang Hector. Kaya lang ay hindi niya alam kung bakit. Napasinghap si Elena nang mapansin na mas humigpit pa ang hawak ng lalaking nagngangalang Hector sa pulsuhan niya. Gusto niyang hilahin pabalik ang kamay niya pero nagmatigas ang lalaki at ayaw talaga siyang bitiwan. "S-Sir, bitiwan mo ako," ani Elena sa nanginginig na boses. "Damn it, Hector. Huwag mo siyang hawakan. Hindi ka niya kilala," ani Luigi sa iritadong tuno. Galit na binalingan ni Hector si Luigi. Anong kalokohan ang pinagsasabi ng isang 'to? Anong sinasabi nitong hindi siya kilala ni Elena? Pagkatapos ng lahat ng ginawa niyang paghahanap, malalaman niyang magkasama ang dalawa na animo walang nangyari? Tapos sasabihin nitong hindi siya nito kiilala? "What the fvck are you saying?" Nanggagalaiti na bulalas ni Hector. Natameme s
最終更新日 : 2026-04-18 続きを読む