Hindi makakilos si Elena. Nandito ang mga kaibigan ni Farah at iniisip ng mga ito na siya talaga si Farah. Hindi niya napaghandaan ang bagay na ito. Dapat yata nagtanong man lang siya kay Farah tungkol sa mga kaibigan nito. “Here,” inabot ni Hector ang black card sa kaniya. Napakurap kurap siya. Naalala niyang ginamit niya rin ang ganoong black card noong nasa Switzerland sila. Kaya lang noong mga panahong yun ay tumatakas siya. Kung alam nitong siya si Elena ay tiyak niyang hindi nito ipagkakatiwala ang black card sa kaniya. Kaya lang ay siya si Farah, sa paniniwala nito.“Wala naman akong bibilhin,” tanggi niya kasi totoo naman na wala siyang balak na bumili ng kahit ano. Tsaka, hindi niya ugaling gumastos ng perang hindi niya pinaghirapan. Maliban na lang kung emergency at desperada na siya. “You love jewelry and bags, Farah...” ani Hector na may kakaiba sa tuno. Animo pinapaalalahan pa siya nito dahil nakalimutan niyang siya si Farah na isang materialistic na babae at mahilig
最終更新日 : 2026-05-07 続きを読む