Tahimik ang buong byahe. Nararamdaman ni Elena ang mga sulyap ni Hector sa kaniya. Pakiramdam niya tuloy, alam na ni Hector na hindi siya si Farah. Napalunok siya. Baka nagha-hallucinate lang siya. Baka hindi naman talaga siya ang tinitingnan nito. “I don't know. Pero halos hindi na ako tinitingnan ni Hector ngayon. Hindi tulad noon.” Naalala niyang minsan ay sinabi iyon ni Farah sa kaniya. Hindi rin naman malungkot si Farah noong sabihin iyon. Tila ayos lang dito na ganoon na lang ito itrato ni Hector ngayon. Inakala niya pa man din noon na talagang may gusto ito kay Hector. Iyon pala'y ginagamit lang din nito ang lalaki katulad ng pagamit nito sa ama ni Hector.Kaya lang, masiyadong delikado ang ginawa ng babae. Pero para sa anak nito ay itinuloy pa rin nito iyon. Talagang walang makakahadlang dito kapag ang anak na nito ang pinag-usapan. Kaya lang ay wala na ang bata at hindi man lang nito naranasang maging ina. Katulad niya. Hindi nila pareho naranasang maging magulang. Isa si
最終更新日 : 2026-05-02 続きを読む