Enzo’s Birthday/ Turnover CeremonyNatigilan na si Enzo.Paglabas ni Celestine mula sa kanyang silid, tila saglit na tumigil ang oras. Suot nito ang isang eleganteng gown na bumagay sa kanyang kutis at hubog. Simple ngunit nakakabighani.Hindi niya maialis ang tingin.“You’re late,” malamig niyang saad, pilit tinatakpan ang kakaibang damdaming sumisiksik sa dibdib niya.Ngunit hindi sumagot si Celestine. Ni hindi man lang siya tumingin kay Enzo. Tahimik lang itong naglakad palabas. Bahagyang kumunot ang noo ni Enzo, ngunit sumunod pa rin.Pagdating pa lang sa venue. Agad bumungad ang engrandeng tanawin.Isang malawak na ballroom na punong-puno ng ilaw mula sa naglalakihang crystal chandeliers na kumikislap sa bawat galaw ng mga bisita. Ang sahig ay makintab na marmol, na sumasalamin sa gintong dekorasyon sa paligid. Sa bawat sulok, may mga fresh flowers na maingat na inayos, puti at ginto ang tema, simbolo ng karangyaan at kapangyarihan.Agad silang napansin ng lahat. Mga bulungan. Mg
Last Updated : 2026-04-14 Read more