MasukHalos sabay na nagising kinaumagahan sina Enzo at Celestine. Magkayakap silang nakatulog magdamag.
“I’m sorry Enzo”. habang pilit na kumakawala sa yakap ni Enzo. Ngunit hindi siya nagtagumpay na makawala sa bisig nito. Namula ang kanyang mukha.
“You’re pretty when you are blushing.” mahinahong wika ni Enzo, nakangiti sa kanya.
Parang tinambol ng malakas ang puso ni Celestine sa paglalapit nilang ito.
“How are you feeling?”tanong ni Enzo.
“I am fine. Salamat nga pala kagabi.”nakayukong imik ni Celestine.
“Let’s have breakfast first. And then, mag prepare ka. We will go to the Mall.” tumayo na si Enzo at lumabas ng kwarto bago pa man makasagot si Celestine.
Bago kay Celestine ang pakiramdam na ito. May kung anong humaplos sa kanyang puso.
Madrigal Mall
Pagdating nila sa mall, agad na napansin ni Celestine ang kakaibang kilos ng mga tao. Parang inaabangan ang kanilang pagdating.
“Sir Enzo,” sabay-sabay na bati ng ilang staff habang yumuyuko nang bahagya.
Nagulat si Celestine. “Enzo, anong meron?” mahina niyang tanong.
Hindi siya agad sinagot ng lalaki. Sa halip, bahagya lamang itong ngumiti. “You’ll see.”
Tinanguan ni Enzo ang head stylist. “Take care of her.”
“Of course, sir,” magalang na sagot nito.
Bago pa makapagtanong si Celestine, dahan-dahan na siyang inalalayan papasok sa isang eleganteng dressing room. Sunod-sunod ang kilos ng mga staff. May nag-aayos ng buhok, may pumipili ng best gown, may naglalatag ng accessories.
“Ma’am, trust us. Gagawin po naming mas lalong lalabas ang ganda ninyo,” nakangiting sabi ng stylist.
Hindi na nakatanggi si Celestine. Tahimik siyang sumunod, bagama’t halatang kinakabahan.
Lumipas ang ilang oras.
Sa labas, nakasandal si Enzo habang naghihintay, abala sa kanyang phone ngunit paminsan-minsan ay napapatingin sa pintuan.
“Sir, she’s ready.”
Unti-unting bumukas ang pinto. At sa sandaling iyon ay napahinto si Enzo.
Lumabas si Celestine, suot ang isang eleganteng gown na perpektong bumabagay sa kanyang katawan. Maayos ang kanyang buhok, banayad ang makeup na lalong nagpalutang sa kanyang natural na ganda. Para siyang ibang tao—mas makislap, mas kahanga-hanga. Hindi nakapagsalita si Enzo.
“E-Enzo…” kinakabahang tawag ni Celestine, hindi sigurado kung ano ang reaksyon nito.
Ilang segundo ang lumipas bago siya nakabawi. Bahagyang napangiti si Enzo. Isang ngiting bihirang makita.
“You look…” saglit siyang napatigil, tila naghahanap ng tamang salita. “…beautiful.”
Namula si Celestine, bahagyang napayuko.
“Let’s go, we have a party to attend to” dagdag ni Enzo, ngunit sa kabila ng pagiging kalmado ng kanyang boses, hindi niya maikakaila na may kakaibang paghanga sa kanyang mga mata habang nakatingin kay Celestine.
Pagpasok pa lamang nila sa engrandeng ballroom, agad nang napalingon ang halos lahat. Kumislap ang mga ilaw mula sa malalaking chandelier, ngunit tila mas nangingibabaw ang kinang na dala ni Celestine.
Suot ang kanyang eleganteng gown, bawat hakbang niya ay puno ng kumpiyansa. Ang simpleng ayos ng kanyang buhok at banayad na makeup ay lalo lamang nagpalutang sa kanyang likas na kagandahan. Para siyang isang reyna sa gitna ng mga mata ng lahat.
Bulungan ang umalingawngaw sa paligid.
“Who is she?”
“She’s stunning”
“Is she with Enzo?”
Ilang sandali pa’y isa-isa nang lumapit ang mga kilalang tycoons. Mga lalaking sanay makuha ang gusto sa isang iglap.
“Good evening, Ms?” nakangiting bati ng isa, inilahad ang kamay.
“Celestine,” mahinhin niyang sagot, bahagyang nakangiti habang tinanggap ang pakikipagkamay.
“Beautiful name for a beautiful woman,” dagdag nito, hindi inaalis ang tingin sa kanya.
Hindi pa man natatapos ang usapan ay may isa na namang lumapit.
“May I have a dance?” alok ng isa pang lalaki, halatang humahanga.
Bago pa makasagot si Celestine..
Isang matibay na kamay ang humawak sa kanyang baywang.
“Sorry,” malamig ngunit mariing saad ni Enzo, “she’s with me.”
Biglang natahimik ang paligid sa kanilang pwesto. Ramdam ang bigat ng presensya ni Enzo. Ang awtoridad at pagmamay-ari sa bawat kilos niya.
“Let’s go,” bulong niya kay Celestine, halos hindi inaalis ang pagkakahawak sa kanya.
Dinala niya ito sa gitna ng dance floor, hindi binibigyan ng pagkakataon ang iba na makalapit muli.
Habang sumasabay sila sa musika, mas lalong humigpit ang hawak ni Enzo sa kanya.
“Ang dami mong admirers,” mahina ngunit may bahid ng selos na wika niya.
Napatingala si Celestine sa kanya. “Hindi ko naman sila pinapansin”
“Good,” putol ni Enzo, seryoso ang tingin. “Because you’re mine.”
Napatigil sandali si Celestine sa narinig. Sa bawat ikot nila sa dance floor, ramdam niya ang kakaibang init sa pagitan nila. Hindi lamang dahil sa mga matang nakatingin, kundi dahil sa lalaking mahigpit na yumayakap sa kanya.
At sa gabing iyon, malinaw sa lahat. Walang sinuman ang pwedeng lumapit kay Celestine dahil si Enzo mismo ang nagbabantay.
Pagdating nila sa villa, agad silang nilamon ng katahimikan. Isang katahimikang taliwas sa ingay at kislap ng party na kanilang iniwan. Tila ba sa bawat hakbang nila papasok, unti-unting bumabalik ang bigat sa pagitan nilang dalawa.
“Magsha-shower lang ako,” malamig na saad ni Enzo, ni hindi man lang siya tiningnan bago tuluyang naglakad papunta sa kanyang silid.
Nanatili si Celestine sa sala, dahan-dahang naupo habang yakap ang sarili. Pilit niyang pinapakalma ang kanyang dibdib. Ngunit paulit-ulit pa ring bumabalik sa kanyang isipan ang mga nangyari kanina. Ang mga matang nakatingin sa kanya at ang paraan ng paghigpit ng hawak ni Enzo.
Ilang sandali pa. Tumunog ang kanyang cellphone. Agad nagbago ang kanyang ekspresyon nang makita ang pangalan sa screen.
“Mommy” bulong niya, at sa unang pagkakataon sa gabing iyon, may lambing ang kanyang tinig.
Sinagot niya ang tawag. Mahaba ang kanilang naging usapan. Mga simpleng kamustahan, pagpapagaling nito, pagpapalakas sa araw-araw., mga kwentong tila ba nagbibigay ginhawa sa kanyang puso. Sa bawat tawa, sa bawat sagot niya, unti-unting nawawala ang lungkot na kanyang nararamdaman.
“Magpapadala ako uli sa susunod na buwan,” malumanay niyang sabi. “I miss you… and I love you so much.”
Ngunit sa likod niya, may ibang kwentong nabubuo. Tahimik na nakatayo si Enzo, bagong ligo, ngunit nanigas sa kanyang kinatatayuan. Ang bawat salitang narinig niya ay tila kutsilyong unti-unting tumatagos sa kanyang dibdib.
Unti-unting nagdilim ang kanyang mukha. Kumunot ang kanyang noo, at ang kanyang mga kamao ay mariing napakuyom. Selos. Galit. Pagdududa. Lahat sabay-sabay na sumabog sa kanyang dibdib.
Pagbaba ni Celestine ng tawag, humarap siya. At doon niya nakita si Enzo. Nakatayo. Tahimik. Ngunit ang mga mata’y tila naglalagablab.
“Who is that?” malamig nitong tanong.
Napakurap si Celestine, nabigla. “Enzo..”
“Sino ang kausap mo?” mas madiin niyang ulit, hakbang palapit. “Magpapadala ka? ‘I miss you. I love you? Was that one of your men?”
Unti-unting nanlaki ang mga mata ni Celestine. “Anong ibig mong sabihin?”
“Don’t lie to me,” mariing wika ni Enzo, halos pabulong ngunit puno ng galit. “May lalaki ka, hindi ba?”
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Celestine. “Ano?”
“Kaya ka pumayag sa kasal na ‘to,” dugtong ni Enzo, mas lalong tumalim ang boses. “Para sa pera. Para sa kanya.”
“Anong pinagsasasabi mo?!”
“Akala mo hindi ko narinig?” galit na galit na siya ngayon. “Naglalambingan kayo sa tawag!”
“That was my mother!” sigaw ni Celestine, nanginginig ang boses.
Ngunit sarado na ang isip ni Enzo. Nilamon na siya ng sarili niyang hinala.
“Enough!” sigaw niya. “Huwag mo na akong gawing tanga! Isa kang bayaran!”
At doon ay naputol ang lahat ng pagpipigil ni Celestine.
Umalingawngaw ang tunog ng kanyang palad sa pisngi ni Enzo. Pareho silang natigilan.
“Wala kang karapatan…” nanginginig na wika ni Celestine, luhaan ang mga mata. “Wala kang karapatan na maliitin ako at pagbintangan ng ganyan… Hindi ako ganoong babae”
Ngunit sa halip na humupa. Mas lalo lamang nagliyab ang tensyon sa pagitan nila. Kinabig ni Enzo si Celestine. Mapagparusang halik ang ginawa nito sa kanya. Ang galit na matagal nang kinikimkim. Ang sakit na hindi masabi. At ang damdaming pilit nilang itinatanggi. Lahat sabay-sabay na sumabog. Wala nang nagawa si Celestine ng dalhin siya ni Enzo sa kanyang silid. Hindi niya kayang pigilan ang ginagawa sa kanya ni Enzo. She surrendered herself to the man she starting to fall in love with.
Lumipas ang ilang sandali. Tahimik. Mabigat.
Nakaupo si Enzo sa gilid ng kama, hindi makagalaw. Para siyang binagsakan ng katotohanan na hindi niya inaasahan. Unti-unti niyang inangat ang kanyang paningin na puno ng pagkalito. Hindi siya ang inaakala niyang babae. Napapikit siya, tila may kung anong bumigat sa kanyang dibdib.
“You didn’t tell me, that… it was your first time.” halos hindi marinig na sambit niya, puno ng pagkabigla.
Sa kabilang panig ng kama, tahimik si Celestine. Nakatalikod, yakap ang sarili habang patuloy na tumutulo ang kanyang mga luha.
At sa gabing iyon, hindi lang galit ang namagitan sa kanila. Kundi isang katotohanang hindi na nila kayang takasan.
Isang buwan mula ng may mangyari sa kanila. At sa bawat araw na lumipas, tila ba nilagyan na naman ni Enzo ng pader ang pagitan nila. Gigising siyang wala na ito at uuwi itong hindi na niya namamalayan. Tuwing gabi ang kanyang pag-aalala. Nagdesisyon na siya. Bukas ay kakausapin niya si Enzo.
Kinabukasan, maaga pa lang ay naghanda na siya sa kanyang lulutuin. Dadalhan niya ng pananghalian si Enzo sa opisina nito. Kakausapin niya ito hinggil sa pagpayag niya sa alok ni Don Emilio. Ang totoong rason, walang labis walang kulang.
Gumayak na si Celestine sa pag-alis. Dala ang kanyang niluto upang personal na ibigay kay Enzo. Nagpahatid siya sa driver ng Villa.
Bumaba siya ng sasakyan at ipinagtanong ang opisina ni Enzo.
Habang sakay ng elevator, hindi niya mawari ang kanyang nararamdaman. Pagkasabik at pangungulila. Miss na miss na niya si Enzo.
Enzo’s Birthday/ Turnover CeremonyNatigilan na si Enzo.Paglabas ni Celestine mula sa kanyang silid, tila saglit na tumigil ang oras. Suot nito ang isang eleganteng gown na bumagay sa kanyang kutis at hubog. Simple ngunit nakakabighani.Hindi niya maialis ang tingin.“You’re late,” malamig niyang saad, pilit tinatakpan ang kakaibang damdaming sumisiksik sa dibdib niya.Ngunit hindi sumagot si Celestine. Ni hindi man lang siya tumingin kay Enzo. Tahimik lang itong naglakad palabas. Bahagyang kumunot ang noo ni Enzo, ngunit sumunod pa rin.Pagdating pa lang sa venue. Agad bumungad ang engrandeng tanawin.Isang malawak na ballroom na punong-puno ng ilaw mula sa naglalakihang crystal chandeliers na kumikislap sa bawat galaw ng mga bisita. Ang sahig ay makintab na marmol, na sumasalamin sa gintong dekorasyon sa paligid. Sa bawat sulok, may mga fresh flowers na maingat na inayos, puti at ginto ang tema, simbolo ng karangyaan at kapangyarihan.Agad silang napansin ng lahat. Mga bulungan. Mg
Kumatok muna siya at marahang binuksan ang nakapinid ng pinto. Nanlaki ang kanyang mga mata sa nasaksihan.Si Enzo, nakaupo at may kahalikang babae. Bigla niyang nabitawan ang kanyang dala dahilan upang bumalik sa diwa ang dalawang tao sa kanyang harapan. Bigla siyang napako sa kanyang kinatatayuan. Agad namang tumayo si Enzo at inayos ang kanyang sarili.“What the hell are you doing here?” malamig nitong tanong.“Darling, who is she?” malambing na tanong ng babae sa kanyang harapan.Napakaganda nito. Matangkad, napaka puti at tila isang Dyosa sa kanyang suot.Hindi na nakapag pigil si Celestine.“I am Celestine” mapait niyang sagot. “I am Celestine Madrigal, his wife!” may diin na imik niya.Agad namang ngumiti ng nakakaloko ang babae sa kanyang harapan. “So, you are his contract wife. I am Isabella Mondragon, his childhood sweetheart and Enzo’s first and only true love” umabrisyete pa ito kay Enzo.Parang may punyal na tumusok sa kanyang dibdib. And Enzo, was there. Emotionle
Halos sabay na nagising kinaumagahan sina Enzo at Celestine. Magkayakap silang nakatulog magdamag.“I’m sorry Enzo”. habang pilit na kumakawala sa yakap ni Enzo. Ngunit hindi siya nagtagumpay na makawala sa bisig nito. Namula ang kanyang mukha.“You’re pretty when you are blushing.” mahinahong wika ni Enzo, nakangiti sa kanya.Parang tinambol ng malakas ang puso ni Celestine sa paglalapit nilang ito.“How are you feeling?”tanong ni Enzo.“I am fine. Salamat nga pala kagabi.”nakayukong imik ni Celestine.“Let’s have breakfast first. And then, mag prepare ka. We will go to the Mall.” tumayo na si Enzo at lumabas ng kwarto bago pa man makasagot si Celestine.Bago kay Celestine ang pakiramdam na ito. May kung anong humaplos sa kanyang puso.Madrigal MallPagdating nila sa mall, agad na napansin ni Celestine ang kakaibang kilos ng mga tao. Parang inaabangan ang kanilang pagdating.“Sir Enzo,” sabay-sabay na bati ng ilang staff habang yumuyuko nang bahagya.Nagulat si Celestine. “Enzo,
Huminto ang sinasakyan nina Celestine at Enzo sa isang marangyang Villa sa taas ng isang burol. Nag-iisa ito. Nakaharap sa dagat. At malayo sa lahat ng ingay ng siyudad. She misses her mom, pero buo ang tiwala niya sa ipinangako ni Don Emilio. He even got a private nurse for her mother.Naputol ang kanyang pag-iisip ng magsalita si Enzo.“Get down”. malamig na turan ni Enzo. ni hindi ito tumingin sa kanya.Dahan-dahan siyang sumunod kay Enzo sa loob ng Villa.“Let’s make one thing clear. This marriage? Is nothing but a contract. I have spoken to Judge Buenaobra and he will not register our paper. After my birthday, kanya-kanya na tayo ng landas. Sign this contract. Two months Celestine. Don’t expect anything from me. No love, no care, and no husband-wife nonsense.” galit nitong sambit.Nanginginig na kinuha ni Celestine ang kontrata at pinirmahan ito. Gulong gulo ang isip niya ng mga sandalling iyon.“You stay out of my life and I will stay out of yours. Understood?” mariin n
Tinakasan ng kulay sa mukha si Celestine matapos marinig ang proposal ni Don Emilio.“I am sorry sir”. mariin niyang tanggi. “Hindi ko po matatanggap ang proposal nyo. Kapos man kami sa ngayon. Hinding hindi ko ipagbibili ang pangalan, reputasyon at kalayaan ko para lang sa gusto nyo”. madiing wika ni Celestine.Sandaling natahimik ang silid.“And that is why I like you, iha”. mahinahong sagot ni Don Emilio. “ You’re not like the girls who have linked to my son, Enzo. You are decent, independent and strong”.Huminga siya bago magpatuloy.“I am sorry kung inaakala mo na tine take advantage ko ang sitwasyon nyong mag-ina, but this will help a lot in your mother’s treatment. Her condition is getting worse. She needs urgent treatment before her illness progresses to stage 4 cancer. I will contact the best doctors here and abroad so that your mother receives the best treatment that she deserves”. mahabang paliwanag ni Don Emilio.Parang biglang tumigil ang oras para kay Celestine.A
Dahan-dahang binasa ni Celestine ang papel na inabot sa kanya ng doktor. Dalawang buwan na halos ng ma diagnose na may stage 3 breast cancer ang ina ni Celestine. Dahil solong anak, at matagal ng pumanaw ang kanilang padre de pamilya, silang mag-ina na lang ang magkatuwang sa lahat ng bagay.“As I have explained, we need to begin the treatment as soon as possible Ms. Celestine. It will involve surgery, radiation and cycles of chemotherapy. You need to prepare at least 2M for the whole treatment”. paliwanag ni Dr. MendezNanginginig ang katawan ni Celestine sa sinabi ng doktor. Nag-uunahang pumatak ang mga butil ng luha sa kanyang mata.“Doctor Mendez, wala kaming ganitong kalaking halaga.”naiiyak na sagot ni Celestine. “Simpleng empleyado lang ako dati sa isang Mall sa South. Mula ng makaramdam na si Mommy ng mali sa kanyang katawan, pinili kong mag-resign at alagaan si Mommy. Ubos na din ang iniwan sa amin ni Daddy. Some of our properties ay naipag benta na din namin”.“I am







