Chapter 209"Owen..." lumambot ang boses ni Scarlett sa kabilang linya ng telepono."Hmm? Anong problema?""Owen, thank you," tila maiiyak na saad ni Scarlett. "Sa mundong 'to, ikaw lang talaga 'yong taong tumutulong sa 'kin nang buong puso, nang walang hinihinging kapalit at walang masamang intensyon."Nagalaw ang damdamin ni Owen sa narinig. "Eh paano naman si Azrael?""Si Azrael..." nabilaukan sa pag-iyak si Scarlett. "Azrael is a good person, pero laging may Shuvee sa pagitan naming dalawa. Kahit hindi niya mahal si Shuvee, napakataas ng sense of responsibility niya. Kailangan niyang maging responsible para kay Shuvee at maging sa lola nito. Sobrang dami niyang pasan, kaya imposibleng maibigay niya sa 'kin ang buong puso niya.""Scarlett, walang kasalanan si Azrael, wala lang siyang choice.""Alam ko, at ang tulad pa rin niya ang mahal ko," buntong-hininga ni Scarlett. "Kung hindi siya responsible na tao, hindi ko siya mamahalin. Pero, Owen, ang hirap magmahal. Ikaw lang talaga an
Read more