Chapter 213Sa isang abandunadong warehouse sa outskirts ng lungsod, saksakan ng dumi at napakalayo sa kabihasnan. Matagal nang walang nakatira sa lugar na ito, puno ng mga sirang kahoy, makapal na alikabok, at napakabaho ng amoy.May isang sirang papag sa gilid. Ang kutson at kumot na naroon ay parang sampung taon nang hindi nalalabhan, hindi lang itim kundi may mga amag pa. Ang semento sa paligid ay puno ng amoy ng dumi at ihi, habang ang mga daga ay malayang nagtatakbuhan mula sa mga sulok.Sa ibabaw ng papag na 'yon, nakahiga ang isang napakapayat na matanda. Nakapikit ang kaniyang mga mata, walang kagaw-galaw, at bahagya na lang humihinga.Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang dalawang tao. Si Edgar at Sheila."Ugh, ang baho talaga rito!" sigaw ni Sheila habang mabilis na tinatakpan ang kaniyang ilong sa matinding dumi ng paligid.May dalang plastic lunchbox si Sheila habang si Edgar naman ay nakahawak din sa kaniyang ilong."Mama, kain na! Dinalhan ka namin ng pagkain!" tawag
Read more