Chapter 27"O, Azrael, nandito ka pala. Maupo ka, kukuha lang ako ng plato at spoon," nakangiting sabi ng lola."Huwag na po, La. Maupo na kayo, ako na po ang kukuha," agap ni Azrael. Tumingin siya kay Rocco at idinagdag, "Hindi naman ako bisita rito."Nagmadali siyang pumunta sa kusina at siya na ang nag-asikaso sa lahat. Nagsalin siya ng sabaw para kay Lola, at kahit kay Rocco ay nagsalin din siya umaasta na parang siya ang may-ari ng bahay.Nagkapilitan pa ang dalawa sa mangkok ng sabaw hanggang sa mamagitan na si Shuvee. Inabutan niya ng bagong mangkok si Rocco."Ibigay mo na sa kanya 'yan, paborito niya ang mangkok na 'yan. Kumuha ka na lang ng iba," sabi ni Shuvee.Hindi nakapagsalita si Azrael at napatitig na lang sa asawa."Azrael, kumain ka na lang. Marunong naman kaming mag-asikaso sa sarili namin," wika ni Lola.Dahil malayong-malayo ang ugali ng lola ni Shuvee sa kanyang mga magulang, laging may respeto si Azrael dito. Gusto rin nito ang luto ng matanda, pero halatang hind
Last Updated : 2026-05-01 Read more