Chapter 32"Scarlett, mauna ka na muna." Malalim ang boses ni Azrael, halatang nagtitimpi lang ng galit habang nakaharap sa babae."Pero, Azrael..." pag-iinarte ni Scarlett, tila ayaw pang bitawan ang moment."Mamaya na natin pag-usapan 'yang relo, umuwi ka na muna!" seryosong utos ni Azrael. Hindi ito biro. Kapag ganito na ang tono niya, kahit ang mga kaibigan niya ay hindi nangangahas na sumuway, lalo na si Scarlett.Kahit nakasandal sa pagiging paborito niya, alam ni Scarlett kung kailan dapat umatras. "Sige, Azrael, mauuna na ako. Huwag ka nang masyadong magalit, ha? Siguradong may dahilan si Shuvee. 'Wag mo siyang pagsabihan nang masama."Napairap na lang si Shuvee sa loob-loob niya. Pagkaalis na pagkaalis ni Scarlett, agad na hinarap ni Azrael si Shuvee. "Ano bang pumasok sa isip mo? Sabihin mo sa akin, ano 'to!""Sinabi ko na sa iyo," mahinahong sagot ni Shuvee. "Naglilinis ako ng gamit. Tinatapon ko na 'yung mga ayaw ko na. Kasama ka na doon Azrael.""Seryoso ka ba?" Nanlili
Last Updated : 2026-05-03 Read more