CHAPTER 102“Magandang gabi po, Tita, Tito” Tumayo ako upang yumakap sa kanilang dalawa. Nanlalamig na ang aking mga kamay.“Ang lamig mo naman, Maria. Sebastian, wala ka bang dalang jacket d'yan? Nilalamig siya,”Hinawakan ni Tita Rizza ang aking kamay. Ang matino niyang anak ay tinawanan lang ako. Napansin na tuloy ni Tita Rizza.“Yakapin ko na lang siya, mom,”Pinanlakihan ko ng mga mata si Sebastian. Mamaya ka sa ‘kin. Tumawa ka ngayon, humanda ka sa akin mamaya, Sebastian. “Upo na po tayo para makapag-order na,” sabi ko. Muntik pa akong mautal. Umorder na kami ng aming pagkain. At habang wala pa ang mga order namin ay nag-usap muna kami. “Finally, nag-aya na rin ng dinner sa amin si Sebastian. Excited na ‘tong mga kapatid niya na makita ka ulit, Maria,” Magkatabi kaming naupo ni Sebastian at napapagitnaan nila ako ni Davina. Kaharap naman namin ang kanyang mga magulang at mga kapatid. “Excited na rin si Maria na makita ulit sila. Right, baby?”Sa ilalim ng mesa ay palihim
Baca selengkapnya