CHAPTER 61"Kapag mabait ang isang tao ay palaging ginagawan ng masasamang balita ng ibang tao. Kagagawan lang din 'yan ng mga taong inggit sa asawa ko," Pinagtatanggol niya pa rin talaga ang asawa niya kahit nahuli na siya. Lihim akong napangiti, hilaw na ang ngiti ni Nina. Pero hindi pa rin matanggal ang kanyang mga mata kay Sebastian."My father is helping many people. That's why ang daming mga inggit sa kanya," sabi ni Nina."Baka gusto mong magdinner kasama siya. Pwedeng-pwede kami mamaya. Nakaya mong tumira sa bahay na ito?" Nilibot niya ang kanyang tingin sa buong paligid. Ang sarap sagutin na, "Oo, nakaya ni Sebastian. Kayo lang naman ang mga maaarte!""Why? This place is good,""Sebastian, I am really a big fan of your mom. Kapag may mga events ay sa kanya kami bumibili ng mga cakes,"Ang daming mga alahas na nakakabit sa buong katawan ni Tita. Pagmamay-ari rin 'yan ng mga tao kasi may ambag din sila para mabili ni Tita ang mga alahas niya. Ang mga tao rin sa lugar nila an
続きを読む