Dahil malaya na mula sa parusa, agad na nagpasimula si Deo sa pag-papaluto ng pagkain.. "Ate! Ngayong umaga gusto ko ng roast beef, stewed beef, fried beef, stir-fried beef, cold beef salad, at tatlong bowl ng beef noodles!""Ate, ngayong umaga gusto ko ng roast beef, stewed beef, fried beef, stir-fried beef, cold beef salad, at tatlong bowl ng beef noodles!" sabi naman ni Yana"Sira ba ang plaka mo?" tanong ni Elara."Mas madaling gumamit ng tape recorder, hindi mo na kailangang gamitin ang utak mo." sagot ni Yana"Mas magandang gamitin mo rin 'yang maliit mong utak, baka kinakalawang na 'yan." "Ate, anong ibig mong sabihin?" "Ang ibig sabihin ni Ate, bobo ka raw, tanga.""Hindi ako bobo!" sigaw ni Yana"Sino nga ba 'yong nakakuha sa math exam na singko?"Pumutok sa halakhak si Deo.. "Singko! Singko! Napakadaling matutunan ng math, paano nakakakuha ang isang tao ng singko? Gaano ka kaya kabobo!"Tumingin si Elara kay Deo.. "Isipin mo muna 'yong marka mo sa Filipino at literature
Read more