YALLAH CRUZ POVInayos ko na ang itsura ko , sinuklay ko ang magulo kong buhok gamit ang daliri ko, pinunasan ang huling bakas ng luha at kinalma ang sarili ko hanggang sa mawala ang panginginig. Huminga ako ng malalim, ilang beses, bago dahan-dahang lumabas ng pinto.Paglabas ko, nakita ko ang lahat ng kasamahan ko sa opisina ay nakatingin sakin. Alam kong halata ang pamumula ng mga mata ko, alam kong nagbubulungan sila. Pero hindi ko sila pinansin. Ibinaba ko lang ang tingin at dumiretso agad sa desk ko.Inayos ko lahat ng papel na nabasa ng luha ko kanina, pinatag-patag para hindi halata, pilit na pinapakita na abala lang ako kahit durog pa rin ang loob ko."Oi Yallah, okay ka lang ba?" tanong sakin ni Kate na mabilis na lumapit.Tumingin ako sakanya at pilit na ngumiti, kahit halatang peke lang. "Oo okay lang ako," sagot ko nang mahina."Parang hindi ah? Namumula yang mga mata mo, umiiyak ka ba?" sunod-sunod na tanong niya.Hindi na ako umimik pa. Ibinalik ko na lang ang atensy
Last Updated : 2026-04-22 Read more