YALLAH CRUZ POV Pagkatapos kong maligo at magbihis, mabilis kong sinuot ang aking office uniform. Kinuha ko na ang ID ko at ang bag ko, handa na akong harapin ang panibagong araw. Paglabas ko ng kwarto, nakita ko si Papa na nakaupo sa sala at tahimik na nagbabasa ng dyaryo. Lumapit ako sa kanya. "Pa," tawag ko sa atensyon niya. Agad naman itong lumingon at tumingin sa akin. "Magpapaalam na po ako, aalis na po ako," paalam ko nang magalang. Tumango lang siya nang may seryoso pero malambing na tingin. "Ingat ka." "Saan po si Mama?" tanong ko. Itinuro lang niya ang kusina gamit ang tingin niya. Pumunta ako doon at nakita ko si Mama na abala sa pagluluto ng almusal. Dahan-dahan akong lumapit at niyakap siya nang mahigpit mula sa likuran, at hinalikan ko siya sa pisngi. "Ma, magpapaalam na po ako," bulong ko at kumalas sa yakap. Lumingon siya sa akin at ngumiti, hinaplos pa ang buhok ko. "O siya, mag-ingat ka sa trabaho, anak. Ingat ka palagi," malambing na sabi niya bago ako t
最終更新日 : 2026-04-18 続きを読む