เข้าสู่ระบบYALLAH CRUZ POV Hindi pwede 'to. Paulit-ulit kong sinabi sa sarili kanina na iiwasan ko na siya. Pero bakit ngayon,gusto ko siyang yakapin ng mahigpit. Magising ka Yallah! Hindi kayo bagay sa isa't isa. Iba ang mundo niya...mundo ng mga mayayaman at makapangyarihan at may fiancee pa siya na naghihintay sa kanya! sigaw ng isip ko, pilit kong kinakalma ang sarili. Akmang tatayo at aalis na sana ako nang bigla niyang hawakan ang pulsuhan ko marahas pero malambing, walang kahirap-hirap akong hinila pabalik sa yakap niya kaya napasandal ulit ako sa mainit at matigas niyang dibdib. Nagkatinginan kami. Napakalalim ng mga itim niyang mata, puno ng pagnanasa, pagmamahal at kagustuhan na halos malunod ako. Unti-unti siyang lumalapit, palapit nang palapit hanggang sa naramdaman ko na ang mainit niyang hininga na dumadampi sa labi ko. Isang dipa na lang, magdidikit na ang mga labi namin. Agad ko itong pinigilan sa marahang pagtulak sa dibdib niya at yumuko ako nang mabilis. Ayaw kong mak
YALLAH CRUZ POVInayos ko na ang itsura ko , sinuklay ko ang magulo kong buhok gamit ang daliri ko, pinunasan ang huling bakas ng luha at kinalma ang sarili ko hanggang sa mawala ang panginginig. Huminga ako ng malalim, ilang beses, bago dahan-dahang lumabas ng pinto.Paglabas ko, nakita ko ang lahat ng kasamahan ko sa opisina ay nakatingin sakin. Alam kong halata ang pamumula ng mga mata ko, alam kong nagbubulungan sila. Pero hindi ko sila pinansin. Ibinaba ko lang ang tingin at dumiretso agad sa desk ko.Inayos ko lahat ng papel na nabasa ng luha ko kanina, pinatag-patag para hindi halata, pilit na pinapakita na abala lang ako kahit durog pa rin ang loob ko."Oi Yallah, okay ka lang ba?" tanong sakin ni Kate na mabilis na lumapit.Tumingin ako sakanya at pilit na ngumiti, kahit halatang peke lang. "Oo okay lang ako," sagot ko nang mahina."Parang hindi ah? Namumula yang mga mata mo, umiiyak ka ba?" sunod-sunod na tanong niya.Hindi na ako umimik pa. Ibinalik ko na lang ang atensy
YALLAH CRUZ POV Nakaupo ako ngayon sa desk ko at nakayuko nang sobrang baba, halos dumikit na ang noo ko sa mesa. Pilit kong tinatakpan ang mukha ko gamit ang buhok ko para walang makahalata na umiiyak ako, pero kahit anong pigil ko, kahit anong takip ko, tuloy-tuloy pa rin ang pagtulo ng luha ko. Basa na ang pisngi ko, basa na ang notebook at papel sa harap ko, at pati na rin ang damit ko sa bandang dibdib ay nababasa na ng mga luhang ayaw tumigil sa pagpatak. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Bakit ganito kasakit? Bakit parang dinudurog ang puso ko nang paulit-ulit? Bakit pakiramdam ko ay ninakawan ako ng bagay na hindi ko naman pag-aari? Siya ba... siya nga ba talaga yung fiance ni Noah? Yung matagal nang bulong-bulungan sa buong opisina? Yung babaeng sinasabi nilang para talaga sa kanya? Tumugma lahat ng nakita at narinig ko kanina. Maganda siya, elegante, at kitang-kita sa itsura at suot niya na galing siya sa mayaman at respetadong pamilya. Lahat ng galaw niya may angk
NOAH GRAYSON POV "Yes Mom... okay lang po," sagot ko na lang kahit durog na durog na ang loob ko. Nakita ko kung paano lumawak ang ngiti ni Reyah hanggang sa abot ng tenga niya. Parang nanalo sa pinakamalaking premyo sa buong mundo. Yumakap pa siya nang mahigpit kay Mama at nagpasalamat nang paulit-ulit, nag-arte pa na parang sobrang inosente at mabait. "Thank you so much Tita! Thank you Noah! I promise, gagawin ko lahat para maging successful ang company at mapaligaya kayo!" sabi niya sabay kindiwink pa sa akin na parang may pagmamay-ari. Nagtagal pa sila ng halos kalahating oras sa loob ng opisina. Pinag-usapan nila lahat—ang start date niya sa trabaho, ang malaking office space na ibibigay namin sa kanya, ang benefits, at kung paano niya pamumunuan ang buong design department. Nakikinig lang ako sa gilid, tahimik pero kumukulo ang dugo sa loob ko. Wala akong magawa. Wala akong karapatang tumutol dahil desisyon na ito ni Mama at ng Board. Hanggang sa nagpaalam na si mom, da
NOAH GRAYSON POV"Boss, sorry to interrupt..." Saad ni Ken na halatang kinakabahan at pinagpapawisan. "Nandito po sa labas si Madam Grayson... at kasama po niya si Ms. Reyah Ramson."Nanigas ang buong katawan ko.Reyah? Anong ginagawa niya dito?Hindi pa ako nakakasagot ay bumukas na ang pinto. Pumasok si Mama na may dalang malaking ngiti, at sa tabi niya ay si Reyah. Nakasuot ito ng mamahaling damit, nakahawak nang mahigpit sa braso ni Mama, Agad akong tumayo para bumati. "Mom, bakit po kayo naparito?" tanong ko habang hinalikan ang pisngi niya."Bumisita lang kami. At may importante tayong pag-uusapan," sagot ni Mom sabay upo sa sofa. Umupo rin si Reyah at hindi inalis ang matalim na tingin sa akin.Nakatayo pa rin sa gilid ko si Yallah. Hawak niya ang tray at nakayuko, halatang hindi alam kung aalis ba siya o mananatili. Ramdam ko ang kaba niya. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na "Okay lang yan, dito ka lang" pero hindi ko magawa. Nandito si Mom at hindi pa pwede. Hindi pa pwede
YALLAH CRUZ POVAbala ako sa pagdedesenyo nang biglang tumunog ang intercom."Ms. Cruz, please come to my office now," malamig at seryosong boses ni President Noah.Nanigas ako. Bakit nanaman niya ako pinatawag? Alam niya kaya na late ako? Naku, patay!Napalingon ako sa mga katrabaho ko na nakatingin na rin sa akin. Hindi pa ako nakakagalaw nang tumunog ulit ito."And make me a cup of coffee. Black. Strong," dagdag na utos niya."Bakit siya ang inuutusan? Hindi ba't secretaries lang ang gumagawa noon?" bulong ng isa."Oo nga, parang ang special naman," sagot naman ng isa pa.Hindi ko na lang sila pinansin. Tumayo ako at dumiretso sa kusina.Habang nagtitimpla ako ng kape, may biglang lumapit na babae. Naka-cross arms ito at masama ang tingin."Masyado ka yatang malapit kay Boss. Hindi mo ba alam na may fiance na siya?" sabi nito.Natigilan ako. Huminto ang kamay ko sa paghalo.May fiance na siya? Si Noah?"Bakit ka tulala? Nagulat ka ba?" tinarayan niya ako. "Sinasabi ko lang 'to para


![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)




