Dalawang araw na ang nakalipas mula nang mahulog si Zephorah sa hagdanan. Mabuti na lamang at tagumpay ang operasyon sa kaniya. Ngunit hindi pa rin siya nagigising. Dumating si Arthur na may dalang prutas.“Manang… Ako na po muna ang mag-aalaga sa kaniya. Puwede na po muna kayong umuwi.” Utos ni Arthur sa kanilang kasambahay.“Ok po,” tugon nito bago lumabas ng kwarto kung saan mahimbing na nagpapahinga si Zephorah.Umupo si Arthur sa isang upuan katabi ng hospital bed ni Zephorah. Hinawakan ang kamay nitong may suero. Malungkot niyang tiningnan ito, na tila ba naaawa sa kalagayan ng asawa. May bendahe ang ulo, dibdib, kanang braso, at kaliwang paa ni Zephorah. Ang pinakamalaking sugat nito ay ang kaniyang ulo na nagtamo ng labing-anim na tahi. Sa parte rin ng kaniyang isipan ay nakokonsensya siya sa nangyari sa babae. ‘Kung hindi ko dinala sina Cheska at Arthur sa bahay natin, hindi sana ito mangyayari sa iyo,’ bulong nito.Bumukas ang pinto at niluwal nito si Cheska, na taas-noo at h
Dernière mise à jour : 2026-05-13 Read More