“Huwag mong hayaang malaman niya na hiwalay na kayo.”Lihim na ikinuyom ni Zephorah ang kaniyang kamao sa inis. Ngunit pinapanatili pa rin niya ang kalmadong awra. Walang reaksyon ang mukha, na kahit nagngingitngit na siya sa inis kung bakit hanggang ngayon ay hindi maputol-putol ang kaniyang relasyon sa mga Wenseslao. Kung puwede lang na iwan niya ang kaniyang responsibilidad, magpakalayo at hindi na muling magpapakita, ay ginawa na niya. Subalit, alam din niyang kaya siyang ipahanap ng mga Wenseslao, maging ang kaniyang lola na laging nagpaparusa sa kaniya. “Mama! Ayokong maghiwalay sina Arthur at Zephorah.” Reklamo ni Amelia.“Huwag niyo po sanang masamain. Ngunit matagal ko na pong balak na makipaghiwalay kay Arthur.” Pagputol ni Zephorah sa pag-uusap ng dalawang mag-ina.“Anak, ikaw lang ang gusto ko para kay Arthur at wala nang iba. Pero sige… Bigyan mo ako ng dahilan kung bakit papayagan kitang hiwalayin ang anak ko.” Sabi ni Amelia.“Sa tatlong taon naming pagsasama, hindi na
Dernière mise à jour : 2026-05-27 Read More