Dalawang araw matapos ang kanilang anniversary at matapos niyang malaman ang sekreto ng asawa, nagkasakit si Zephorah at hindi siya bumabangon sa kanyang kama.“Iha, kainin mo itong lugaw na niluto ko sa inyo upang gumaan po ang pakiramdam niyo.”Mapait na natawa si Zephorah sa kaniyang isip.‘Itong sakit ng puso ko, mawawala rin ba kung kakain ako ng lugaw?’“Wala po akong gana, Manang. Salamat po.”“Ngunit, iha… dalawang araw ka nang hindi kumakain, baka kung mapaano ka na niyan.”‘Mabati pa si Manang, nag-aalala sa akin. Iyong asawa ko, di ko man lang makitang umuwi sa bahay para kamustahin ako.’ Sabi ni Zephorah sa isip.“Maraming salamat sa pag-alala mo, Manang. Mamaya, kapag nagutom ako, kakainin ko iyan. Sa ngayon, wala pa talaga akong ganang kumain,” saad nito.Umalis ang matanda sa kanyang kwarto nang tumunog ang cellphone ni Zephorah. Tawag iyon mula sa kanyang asawa, kaya kahit masama ang loob niya sa kabiyak, sinagot pa rin niya ito. Ipinaalam ni Arthur ang pagkawala ng ka
Terakhir Diperbarui : 2026-04-22 Baca selengkapnya