CHAPTER 127 “Tuturuan ko siya ng leksyon. Please, bigyan niyo siya ng pagkakataon.” Kulang na lang ay iyuko niya ang noo sa sahig. Alam na alam niya na hindi lang pababagsakin ni Zacharias ang Chase & Co. Kayang-kaya nitong impluwensyahan ang board of directors, investors at iba pang kompanya. Kahit pagiging empleyado ay hindi siya matatanggap. Ganon ka-kapanyarihan ang Wolfgang Empire! Lowkey lang ang mga ito at talagang tago sa mata ng nakararami pero sobrang maimpluwensya. “Joseph,” nakakapanlamig nitong tawag sa kanya. “Magpasalamat ka na hindi nagtagumpay ang anak mo. Kung may nangyaring masama kay Jillian, ipapa-blocklist ko kayo sa lahat. Sa putikan kayo pupulutin at kahit pagiging delivery rider ay walang tatanggap sa inyong kompanya.”Natahimik si Joseph, nangingig na yumuko. “C-CEO Wolfgang, babayaran ko si Miss Aguillar. Bibigyan ko ng pera, ng bahay, kotse…lahat. Bibigyan ko siya ng kompensasyon.”Gagawin niya iyon hindi dahil mahal niya
Read more