CHAPTER 105 "You have me and Kai. Kung hindi ka niya mahal, nandito kami ni Kai. Hinding-hindi ka magmamalimos ng pagmamahal sa amin." Ayos na sana kung hindi lang dinugtungan nito ng; "sa future, magkakaroon pa tayo ng anim na anak. Ang dami ng magmamahal sa 'yo." "Anong anim?!" Inalis niya ang pagkakayakap nito. "Sige, lima na lang," Talagang nakipagnegosasyon pa! "Anong akala mo sa akin, inahing baboy? At saka, sinong nagsabi sa 'yo magkakabalikan tayo." "Sigurado ako magkakabalikan tayo. Tama na nga ang usapan na 'to. Baka maging zero pa ang apat na kapatid ni Kai. Mahirap na!" Kukurutin niya sana kaya lang ay mabilis itong nakabalik sa kabilang mesa. Si Zacharias na ang naghugas ng pinagkainan habang siya naman ay naligo at nagbihis. May kumatok sa pinto. Nang buksan niya ay si Rafael ang nasa labas. "Good morning, Miss Jil," bati nito sabay abot sa kanya ng paperbag na medyo gamit na. "Thank you, Sir Raf." "Rafael na lang po, Miss Jil. Ina po kayo ng anak ni CEO
Magbasa pa