SA MGA SUMUNOD na araw, kumapal nang kumapal ang mukha ni Zacharias. Iba-iba ang dahilan ng makapal ang mukha para matulog sa apartment ni Jil. ‘Masakit ang ulo ko ayaw kong mag-drive’, ‘may bisita ang kamag-anak ko sa bahay, maingay. Makitulog naman.’, ‘hindi ako nakakatulog kasi nami-miss kita’, ‘pinagsasarhan ako ng pinto ng kamag-anak ko kaya makitulog naman’…. Dumarami rin ang gamit ni Zacharias sa maliit na apartment ni Jil. Nagsisisi si Zacharias na sinabi niyang sa kamag-anak siya nakatira dahil sa ilang beses na pagyaya niya kay Jil na doon na sila sa apartment niya tumira o kaya kahit bisita lang, tumatanggi si Jil. Nakakahiya daw sa kamag-anak. Wala naman talaga siyang kasama sa 3 bedroom condo unit niya. Kahit nga ang tinutuluyan dati ni Uncle Nathan ay wala ng tao dahil lumayas na sa Cagayan ang tiyuhin niya. Nagmungkahi rin si Zacharias na magrenta sila ng mas malaking apartment pero ang sagot ni Jil ay: ‘huwag na. Maliit lang itong
Read More