May kung anung pamilyar na pigura ang kanyang nasulyapan, "Parang kilala ko siya..." mahinang usal ni Ralp sa sarili.Ang alaala mula sa pagkabata nila ni Samuel, at ang tahimik na pagtingin ni Mauren nito, ay muling sumulpot sa isipan ni Ralp, Isang alaalang alam ng lahat sa kanilang grupo.Maganda si Mauren walang duda. Ngunit ang kagandahang iyon ay tila naliligaw sa kanyang katahimikan. Wala siyang kapansin-pansing kakaibang katangian; isang uri ng kagandahang karaniwan, hindi ang tipo na karaniwang nagpapatibok ng puso ni Samuel.Lagi siyang iniiwasan ni Samuel, at dahil doon, hindi na nila gaanong napapansin si Mauren. Bihira na rin nilang makasalubong ang dalaga, at kung minsan ay hindi na nila ito kinikibo. Para bang isang anino lamang siya para sa kanilang mga buhay.Sa katunayan, medyo malabo na ang alaala ni Ralp sa mukha Mauren, kaya't hindi niya tiyak kung siya nga ang nakita nito. Ngunit kung si Mauren man ang kanyang nakita, hindi na niya ito gaanong pinansin, at ibinal
Last Updated : 2026-04-30 Read more