“Elian, pangatlong sasakyan na ang nag-overtake sa atin. Pati yung nagbibisikletang lolo kanina, naunahan pa tayo. Baka naman pwedeng apakan mo nang konti yung silinyador?”Nakasimangot na nakahalukipkip si Zara sa passenger seat habang pinapanood ang mga sasakyang dumadaan sa labas ng bintana. Ang speedometer ng sasakyan nila ay nakapako sa bente kilometro kada oras. Kung may mas mabagal pa sa pag-usad ng trapiko sa EDSA, iyon ay ang pagmamaneho ni Elian ngayon.Naka-focus ang mga mata ni Elian sa kalsada, ang magkabilang kamay ay mahigpit na nakakapit sa manibela. “Zara, may mga lubak sa daan. Hindi pwedeng tumagtag ang byahe natin. Buntis ka, kailangan nating mag-ingat.”“Buntis ako, hindi ako gawa sa manipis na baso! At saka, papunta pa lang tayo sa unang ultrasound natin, baka mamaya mag-close na yung clinic ni Dra. Tuazon bago pa tayo makarating.”Huminga nang malalim si Elian at bahagyang binilisan ang takbo, mula bente ay naging trenta. Napa-irap na lang si Zara, bagama't sa k
Read more