Anim na buwan na ang lumipas simula nang maging malaya si Zara.Sa loob ng anim na buwang iyon, maraming nagbago. Ang dating Zara na palaging nasa underground clubs, naglalasing hanggang madaling araw, at nagtatago sa anino ng isang sindikato ay unti-unting naglaho. Sa tulong ni Elian, ginamit ni Zara ang sarili niyang ipon para magtayo ng isang maliit ngunit sikat na acoustic café-bar sa labas ng siyudad. Pinangalanan niya itong Safe Haven.Walang maiingay na lasers. Walang nakakabinging EDM music. Chill acoustic bands lang, magagandang kape sa umaga, at masasarap na cocktails sa gabi. Ito ang naging bagong mundo ni Zara, isang mundong siya mismo ang gumawa, walang halong takot at kasinungalingan.Alas-onse na ng gabi, at kakatapos lang magligpit ng mga empleyado niya. Nakatayo si Zara sa likod ng counter, nagbibilang ng sales sa register. Nakasuot siya ng isang simpleng black off-shoulder top at maong shorts, ang buhok ay nakapusod nang mataas. Simpleng-simple, pero ang ganda niya a
Read more