Pagsapit ng gabi, napalitan ng makukulay na ilaw at malakas na musika ang tahimik na baryo. Mula sa kubo, rinig na rinig ang dumadagundong na bass ng mga sikat na kanta mula sa covered court kung saan ginaganap ang pasayaw at perya.Nakatayo si Zara sa harap ng maliit na salamin, nagpapahid ng paborito niyang red lipstick. Nakasuot siya ng isang fitted white crop top na nagpapakita ng bahagyang balat sa kanyang bewang, ipinares sa isang maong na palda at puting sneakers. Simple, pero sapat na para mapalingon ang sinumang makakakita sa kanya.Mula sa likuran, naramdaman niya ang maiinit na braso ni Elian na pumulupot sa kanyang baywang. Ibinabaon ng binata ang mukha nito sa kanyang leeg, humihinga nang malalim. Nakasuot lang si Elian ng plain black t-shirt na hapit sa kanyang matitipunong braso, at dark denim jeans. Kahit sobrang simple, mukha pa rin itong isang modelong naligaw sa probinsya.“Ang ganda-ganda naman ng Misis ko,” malambing na bulong ni Elian, hinahalikan ang gilid ng ba
続きを読む