AZARIAH POV Pagkatapos ng tawag na ‘yon, nanatiling tahimik ang paligid. Ramdam ko pa rin ang bigat ng usapan… pero mas nangingibabaw ang presensya ni Theron sa harap ko. Dahan-dahan siyang lumapit. At bago pa ako makapag-isip. hinawakan niya ulit ang baba ko, marahang iniangat ang mukha ko. “Natapos ka na?” mababa niyang tanong. Napakurap ako. “At ikaw naman ang susunod,” dagdag niya, halos pabulong. Hindi ko na napigilang mapangiti nang bahagya. Pero bago pa ako makasagot. bigla siyang yumuko at akmang hahalikan ulit ako. Ngunit. Tok! Tok! Napaatras ako nang bahagya. Napapikit si Theron at napamura nang mahina. “Damn it…” Padabog siyang tumayo mula sa kinatatayuan niya. Ako naman… hindi ko napigilang matawa. Tahimik, pero halata. “Natatawa ka?” napatingin siya sa akin, bahagyang nakakunot ang noo. “Medyo,” sagot ko, pilit pinipigilan ang ngiti. “Parang… kanina ka pa nabibitin.” Mas lalo siyang napasimangot. “Don’t push it, Azariah,” babala niya, pero halatang
آخر تحديث : 2026-05-06 اقرأ المزيد