AZARIAH POV Tahimik na ulit ang kwarto matapos lumabas si Theron papunta sa banyo. Naririnig ko ang mahinang lagaslas ng tubig habang ako naman ay patuloy na kumakain sa iniluto niya. Hindi pa rin ako makapaniwala. Si Theron talaga ang nagluto. Habang iniisip ko iyon, biglang nag-vibrate ang cellphone ko sa gilid ng kama. Kinuha ko agad iyon. Sofie. Sinagot ko kaagad. “Hello?” “Aza!” excited at halos pasigaw niyang boses. “Ready ka na ba?!” Napakurap ako. “Ready saan?” “Hello?! Bukas na tayo mag-aapply sa Ashford! Huwag mong sabihing nakalimutan mo!” Bigla akong napatingin sa pagkain ko. “Ah oo, oo, alam ko,” mabilis kong sagot. “Nagpapahinga lang ako ngayon.” “Good!” sabi niya. “Kasi bukas, hindi na tayo pwedeng umatras. Full commitment na ‘to!” Napakagat ako sa labi ko. “Oo…” “Alam mo Aza,” dagdag niya, “feeling ko makakapasok tayo. Lalo ka na.” Napangiti ako nang bahagya. “Baka…” “Hindi ‘baka,” giit niya. “Sure.” Napatawa ako nang
Last Updated : 2026-05-13 Read more