Nakahiga silang pareho pa rin sa kama, nakadikit pa rin ang katawan niya kay Bella, nakaunan ito sa kanyang braso habang ang kabilang kamay ay walang tigil sa paghaplos sa bawat kurba ng katawan ng asawa. Ang init at sarap na naramdaman nila kanina ay nananatili pa rin, parang apoy na hindi kayang patayin, lalo na’t alam ni Alexander na wala nang harang, wala nang bawian, at buo na ulit ang pag-aari niya sa babae. Dinadama ni Alexander ang bawat hininga ni Bella na mainit na humahaplos sa kanyang dibdib. Ang balat nila ay parehong basa pa rin ng pawis, malagkit at mainit, pero para sa kanya, ito ang pinakamasarap na pakiramdam sa buong mundo. Dahan-dahan niyang inilalakbay ang palad mula sa makinis na likod pababa sa malalambot na hita nito, paminsan-minsan ay idinidikit ang mga daliri sa pagitan, na nagpapadala ng kilabot at bagong alon ng init sa babae. “Alex… huminga ka naman…” mahinang daing ni Bella, nahihilo pa rin sa dami ng sarap na ibinigay nito kanina, pero ramdam na niya
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-05-10 อ่านเพิ่มเติม