“Talaga po?! Totoo po ‘yan mom?! Dad?!” sigaw nito sa tuwa. “Magkakaroon na ako ng kapatid! Yay! Sabi ko naman po kasi gusto ko ng kalaro eh! Aalagaan ko po siya nang mabuti, pangako! Napaluha si Bella sa tuwa habang niyayakap ang anak at ang asawa. “Oo anak, totoo ‘yan. At mahal na mahal ka na rin ng kapatid mo kahit hindi mo pa nakikita.” “Pangako po mom, dad… magiging mabuti akong Kuya,” sabi ni Matteo habang nakayakap sa kanilang dalawa." Nang gabing iyon, habang tulog na ang bata, bumalik ulit sila sa kanilang silid. Niyakap ni Alexander si Bella mula sa likod, ang kamay ay nakapatong sa tiyan niya, ang labi ay nakadikit sa kanyang leeg. “Tingnan mo,” bulong nito. “Kumpleto na talaga ang buhay natin. Ikaw, ako, si Matteo, at ang munting anghel na darating pa lang. Wala na akong mahihiling pa.” Napangiti si Bella at inilapat ang kamay ng asawa nang mas mahigpit sa kanyang tiyan. “Ako rin… sapat na ito. Ang pagmamahal mo, ang pamilya natin—ito na ang paraiso na hindi k
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-05-26 อ่านเพิ่มเติม