Malaki na talaga ang ipinagbago ni Matteo. Hindi na siya iyong batang laging nakakapit sa laylayan ng damit ni Bella o laging sumusunod lamang kay Alexander kung saan man ito magpunta. Ngayon ay isa na siyang matipunong binata, matangkad, may malalapad na balikat, at ang mga kalamnan ay siksik at matigas dahil din sa mga gawaing bahay at pagtulong sa ama sa bukid at sa kanilang mga negosyo. Maayos ang kanyang paglaki, may takot sa Diyos, at alam na alam niya ang pagkakaiba ng tama sa mali. Malinaw sa kanyang isipan ang mga aral at paalala na ibinigay nina Alexander at Bella sa kanya mula pa noong bata pa siya, ang maging magalang, marunong tumingin ng hangganan, at higit sa lahat ay igalang ang sarili at ang kapwa. Kaya naman, kahit pa paano ay tiwala ang mga magulang niya sa kanya, alam nilang hindi ito gagawa ng bagay na ikapapahamak niya o ikapapahiya ng pangalan ng kanilang pamilya. Isang hapon habang abala si Bella sa paglilinis ng sala at pag-aayos ng mga gamit, dumating
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-06-11 อ่านเพิ่มเติม