Hindi pa rin ako mapakali matapos ang nangyari sa mall. Kahit nakauwi na kami at ilang oras na ang lumipas, pakiramdam ko naroon pa rin ako sa gitna ng kaguluhan—sa ingay ng mga sigawan, sa takot na muntik nang pumigil sa paghinga ko nang mawala si Miko sa paningin ko.Pero higit sa lahat, hindi mawala sa isip ko ang lalaking sumagip sa anak ko.Hindi ko man nakita nang malinaw ang mukha niya kanina dahil sa suot niyang maskara, may kakaiba sa kaniya. May kung anong pamilyar sa kilos niya, lalo na sa paraan ng paghawak niya kay Miko. Maingat. Parang ayaw niya itong masaktan kahit kaunti.“Mommy?”Napakurap ako at napatingin kay Miko. Nasa sala kami at nakaupo siya sa sofa habang yakap ang paborito niyang teddy bear. Tahimik ang buong bahay, pero ramdam ko pa rin ang bigat ng nangyari.“Hm, baby?” pilit kong sagot habang inaayos ang sarili ko.“‘Yung lalaki kanina…” maingat niyang panimula, “siya ‘yung nagligtas sa akin.”Napalunok ako.“I know.”“Mommy… he’s nice.” Inosente ang tingin
Last Updated : 2026-05-09 Read more