Compartir

CHAPTER 2

Autor: Bitter_sweet
last update Fecha de publicación: 2026-04-27 12:46:34

Nilingon ni Veronica ang lalaki na tumabi ng upo sa kaniya sa island counter. Kahit may tama na siya ng alak, naaaninag pa rin niya ang kahanga-hangang kagwapuhan nito. Parang may sariling isip ang hintuturong daliri niya na paglandasin iyon sa ilong ng binata pababa sa mapupulang labi nito.

Bigla siyang tumawa nang pagak. “Umalis ka sa harapan ko. Ayoko sa mga lalaki. Allergic ako sa mga lalaking hindi marunong makuntento.”

Nakaharap pa rin siya sa lalaki pero wala na ang daliri niya sa mga labi nito. Walang imik ang lalaki, nakatingin lang ito sa kaniya.

Huminga siya nang malalim dahil sa kakaibang intensity ng tingin nito. “Umalis ka na.” Pagtataboy niya sa lalaki. “Hindi ko kailangan ng kasama. I can take care of myself. I'm an independent woman. Hindi ako tinitingnan ng mga lalaki na babae. Kasi ang mga lalaki walang bayag! Hindi kayang manindigan!”

“Oh! Easy,” segunda ng lalaki na hanggang ngayon ay nasa tabi niya.

“Isa pang vodka,” utos niya sa bartender.

Kaagad naman siyang binigyan ng bartender.

She rolled her eyes. “Dude, maghanap ka ng ibang lalandiin.”

The man let out a mischievous chuckle, which drew her attention. “Brokenhearted ka, ‘no? Pareho lang pala tayo.”

“Brokenhearted ka rin?” gulat niyang tanong. Gago, ang guwapo mo tapos iniwan ka?

The man gave a nod and said, “Yeah.” He was holding a full beer glass.

Tumawa siya na parang may gustong puntuhin. “Baka naman kasi malandi ka?”

Tinaasan siya ng kilay ng lalaki. “You're making a judgment about me without even knowing me? That's pretty harsh, woman.”

Tinaasan rin niya ng isang kilay ang lalaki. “Pare-pareho lang kayo.” Pagkasabi niya niyon, tumayo siya sa kinauupuan at naglakad palabas ng club, pero bago pa man siya tuluyang makalabas, may pangahas na humigit sa braso niya dahilan upang mag-bounce back siya at tumama ang mukha niya sa matitipunong dibdib ng kung sino.

“Hey! Ano bang problema mo?!” singhal niya sa guwapong lalaki na kausap lang niya kanina sa loob ng club.

Ngumisi ang lalaki. “Pagkatapos mo akong i-judge, aalis ka?”

Matapang ang mga matang tinitigan niya ito sa mga mata. Ang labanan ay mata sa mata at hindi siya magpapatinag.

Ano bang problema ng bwiset na lalaking ‘to?

Uungusan sana niya ang lalaki nang biglang may tumawag sa pangalan niya sa hindi kalayuan kung saan siya nakatayo.

“Veronica!”

Lumapit ang lalaki na siyang dahilan kung bakit wasak na wasak ang puso niya ngayon. It was Ace.

“Veronica, mag-usap tayo, please? Naghihintay sila sa’yo. Nag-aalala ang kapatid mo—”

“Oh, shut your fucking mouth!” Hindi niya mapigilan ang hindi sumabog.

“Come on, magpapaliwanag kami—”

Tumawa siya nang pagak. “Hindi mo kailangan magpaliwanag. Malinaw na ang lahat sa akin. So please, just leave me alone.” Ayaw niyang makita ni Ace ang mga luha sa mga mata niya dulot ng sakit na dinulot nito sa puso niya. She’s a strong and independent woman. Ilang taon niyang kinaya na mawala ito dahil akala niya sa pagdating niya may naghihintay pa sa kanya.

“Veronica—”

“Brad, it's clear that she needs some space. So respect her feelings. I don't know what transpired between you two, but the best thing you can do right now is to leave. Babae siya at alam mo kung ano ang kaibahan ng nararamdaman ng lalaki sa babae. Mas madali silang masaktan.”

Nang marinig ni Veronica ang sinabi ng lalaki na sumunod sa kaniya— parang huminahon ang puso niya. Tumahan sa pag-iyak ang puso niya. It was the first time a man had made her feel cherished and respected as a woman.

“Okay.” Walang nagawa si Ace kundi maglakad papalayo sa kanila.

“Who is he?” kapagkuwan ay tanong ng lalaki.

“Wala ka na dun,” mataray niyang tugon.

Hindi makapaniwalang tumingin ang lalaki sa kaniya. “Seriously? Pagkatapos kitang tulungan, susungitan mo ako?”

Sumiring siya sa hangin. “Bakit ka ba kasi sunod nang sunod?”

Tumawa nang mahina ang lalaki. “Bago ka lang sa club na ‘to. Ngayon lang kita nakita at ipapaalam ko lang sa’yo na maraming gago sa club na ito.”

“And so?” Naglakad siya papasok sa loob subalit hinigit na naman ng lalaki ang braso niya. “Ano bang problema mo?”

“Kailangan mong umuwi. May kaguluhan na mangyayari rito mamaya. Hindi mo ba alam na puro negosyante ang nasa loob ng club na iyan? Baka madamay ka pa kaya makinig ka na lang sa akin. Ihahatid kita sa inyo—”

“Ayoko!” singhal niya.

“Alangan naman manatili ka sa labas? May condo ka ba? Apartment?”

“Wala! Kauuwi ko lang galing abroad,” pananaray na naman niya.

“Alam mo, ang taray mo. Makinig ka sa akin dahil nagsasabi ako ng totoo.”

“Isa ka rin ba sa kanila?” kapagkuwan ay tanong niya sa binata.

Hindi nakasagot ang binata.

Huminga ito nang malalim. “Ayaw mo maniwala? Bahala ka—”

“Can I go to your place?”

Tumaas ang kilay ng lalaki. “Bago pa lang tayo nagkita. Ang bilis mo naman magtiwala sa akin? Paano pala kung masama akong tao?”

Tiningnan niya ang binata at sinuri ang kabuuan nito. “E, mukhang hindi ka naman masamang tao,” komento niya. “Isama mo ako kung saan ka. Gusto ko makalimot, gusto ko mawala ang sakit na nararamdaman ko kahit saglit.”

NAKAUPO si Veronica ngayon sa pang-isahang sofa. Kasalukuyan siyang nasa condo ng lalaki na hanggang ngayon ay hindi niya alam kung ano ang pangalan. Nakasalampak na nakaupo sa sahig ang lalaki habang pareho silang may hawak na bote ng alak. Pareho silang broken hearted, pareho silang kailangang makalimot.

The young man offered a bottle of beer for the fourth time. At pang-apat na beses niya rin iyon tinanggap dahil gusto niyang magpakalasing, magpakalunod sa kalasingan.

“W-why are men so unfair?” nauutal niyang tanong dahil sa kalasingan.

Paluhod na naglakad ang lalaki patungo sa kaniya at inilagay ang dalawang siko nito sa mga hita niya. The young man leaned in and Veronica’s heart hammered inside her chest. Sa hindi niya malamang kadahilanan, nag-iinit ang katawan niya. Mas pinagkatitigan niya ang guwapong mukha ng binata habang titig na titig rin naman ito sa mukha niya na parang sinusuri ang buong pagkatao niya.

The young man smiled. Namumungay ang mga mata nito, halatang nag-uumpisa na itong malasing.

“Hi… hindi ko pa alam ang pangalan mo.”

Gusto niyang malaman ang pangalan ng lalaki.

His smile widened. “My name is Mirko,” pagpapakilala nito. “How about you, binibini?”

“Veronica Sedulga,” tugon niya.

“What a beautiful name, kasing ganda mo,” anito.

Natigilan siya at biglang mas namula ang kaniyang pisngi. “A-ano ba iyang pinagsasabi mo? Bolero ka.”

Mirko chuckled. “Maganda ka nga. Pero mas maganda ka pala kapag nahihiya.”

“Kung maganda ako, bakit iniiwan ako?” wala sa sariling tanong niya. “Binigay ko lahat sa kanila. Hindi ako nagkulang dahil mahal ko sila. Nagsakripisyo ako dahil ayokong sila ang maapektuhan. Tinapangan ko kahit malungkot ang mag-isa. Naging independent woman ako. Halos maubos na ako pero sila pa rin ang iniisip ko.”

Nagsimulang tumulo ang luha sa mga mata niya. “Pero bakit hindi pa rin naging sapat? Bakit ako pa ang nasasaktan ngayon? May mali ba akong nagawa? May mali ba sa akin?”

Tumayo ang binata sa pagkakasalampak sa sahig at tumabi sa kaniya. “Hindi ikaw ang may mali, wala sa’yo ang mali. Tulad ng sabi mo, hindi ka nagkulang kaya huwag mong isipin na hindi ka sapat.” Hinawakan ng binata ang pisngi niya at hinaplos iyon. “Hindi lang sila nakuntento.”

She pouted. “Bakit ba ang galing mo magpagaan ng loob?”

His hand felt soft and warm against her cheek. “Dahil pareho tayo ng nararamdaman.”

Umingos siya. “Hmp! Ang guwapo mo kaya. Doble ang guwapo mo kay Adan kaya imposible na iniwan ka.” Hindi siya naniniwala sa binata.

Tumawa ang lalaki na mas nakapagpalaglag ng panga niya. “Guwapo ako sa paningin mo? Edi bagay pala tayo? Kasi maganda ka, doble sa ganda ni Eva sa paningin ko.”

“Tsk, bolero ka talaga, ‘no?” Pero kinikilig siya.

Nabibihag na nito ang puso niya. Sa matatamis na mga salita at sa angking kaguwapuhan nito. Kakaiba ang hatid ng mga ngiti at tawa nito. Ngayon lang siya nakatagpo ng lalaki na kayang pahalagahan ang gandang meron siya. Pero kailangan niya pa rin mag-ingat, hindi na dapat siya mabighani sa mga lalaki. Pare-pareho lang naman ang mga ito.

Mirko chuckled and he stood up.

Nang makatayo ito, hinawakan siya nito sa kamay at hinila siya patayo.

“Can we dance, binibini?” tanong nito at yumapos sa bewang niya. Napakahigpit ng yakap nito. “Let’s dance. Para makalimot, para magsaya.”

“Okay,” sang-ayon niya.

Yinakap niya ang mga braso sa leeg nito. Bakit parang ang sarap yakapin ng binata? Bakit parang gumaan ang pakiramdam niya? Hindi niya kakalimutan ang gabing ito kung saan may isang lalaking nagpagaan ng nararamdaman niya.

“Worth it ka. Worth it tayo,” bulong ng binata sa taenga niya.

“Kung ikaw ba si Ace, sasaktan mo ba ako? Ipagpapalit mo ba ako?” Hindi na niya pinag-isipan ang tanong niya. Gusto niyang malaman kung worth it ba talaga siya.

“No,” the young man responded without hesitation. “I’ll make you happy and contented.”

Ngumiti siya at patuloy silang sumayaw kahit walang music. Nasasaktan pa rin si Veronica at naaalala pa rin niya ang pagtataksil ng kasintahan niya at ang pagtraydor ng kapatid niya sa kaniya. Ang pamilya niya mismo ang nagwasak ng puso niya. Sa tuwing sumasagi sa isip niya ang halikan nina Annika at Ace, parang sinasaksak siya patalikod, tagos hanggang puso.

Tumigil siya sa pagsabay ng sayaw kay Mirko. Tinanggal niya ang braso na nakapulupot sa leeg nito at sinapo ang mukha ng binata. “Can I kiss you, Mirko? Please?”

Nang matulala ang lalaki at hindi makasagot, tumawa siya para isipin nitong nagbibiro lang siya.

She smiled and let go of his face. “Just kidding.” Inilayo niya ang mukha at bahagya siyang umatras. Hindi na kasi maganda ang epekto ng lalaki sa katawan niya. Kakaiba na ang lumalabas sa imahinasyon niya. Gosh!

Akala niya ay hahayaan siya nitong makalayo, pero hinawakan nito ang bewang niya at hinapit siya palapit sa katawan nito at walang pasabi na inilapat ang labi sa mga labi niya.

Naghalo ang lasa ng beer na ininom nila sa kanilang mga labi. It tasted bitter yet sweet. Hindi siya kaagad gumalaw dahil sa gulat. Hindi niya alam sa sarili kung bakit siya nag-request ng ganoon sa binata. Siguro dahil sa nakita niya ang naging halikan nina Annika at Ace.

 

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App

Último capítulo

  • A DANGEROUS MAN SERIES 2    CHAPTER 4

    “Mommy!”“Mommy! Wake up!”Nagising ako nang marinig ang boses ng batang lalaki. Boses iyon ni Miko, ang nag-iisang batang lalaki sa buhay ko. Imbis na bumangon ay nagtulog-tulugan ako upang asarin pa ang aking anak. Gustong-gusto ko kapag naririnig kong tinatawag niya akong Mommy. Pakiramdam ko buo ang pagkatao ko kahit nawasak ng nakaraan. Sa anim na taon, hindi ako naghanap dahil naging sapat na si Miko.Anim na taon na si Miko simula nang isilang ko siya at palakihin kong mag-isa. Anim na taon ang lumipas, pero ang lalaking nagsabing worth it ako ay bigla na lamang nawala matapos ng gabing iyon. Matapos ang gabing ipinaramdam niya sa akin na babae ako at may halaga. Isinuko ko ang virginity ko sa isang lalaking hindi ko lubos kilala. Ngunit hindi ko pinagsisihan iyon dahil nang dumating sa buhay ko si Miko, ang malungkot at miserable kong buhay dahil sa mga taong nanakit sa akin ay naging makulay. Natuon ang buong buhay ko sa pagpapalaki kay Miko.Miko ang ipinangalan ko sa aking

  • A DANGEROUS MAN SERIES 2    CHAPTER 3

    Hindi siya makagalaw sa sandaling magkalapat ang kanilang mga labi. Paiinitin pa sana niya ang halik na sinimulan ng binata nang ilayo nito ang labi sa kaniyang mga labi at mapupungay ang mga matang tinitigan siya sa mga mata. Habang nanunuot sa kaibuturan niya ang titig ng binata ay siya ring bilis ng tibok ng kaniyang puso. Parang kinakarera ang puso niya sa bilis ng pagtibok niyon.“Ipaparamdam ko sa’yo kung gaano ka kahalaga at kaganda. You’re worth it, baby,” bulong ng binata sa tainga niya at ngumiti nang matamis.You’re worth it, baby. Hindi alam ni Veronica kung bakit parang naluluha siya nang marinig niya ang huling sinabi nito.Mirko tenderly cupped her face again and kissed her gently on the lips. Pakiramdam ni Veronica sa bawat halik ng binata ay isa siyang mahalagang babae na dapat hindi saktan at iwan, pakiramdam niya sa bawat haplos nito sa kaniyang likuran ay isa siyang prinsesa na dapat protektahan. His lips were warm and inviting. She felt safe in his presence. Wala

  • A DANGEROUS MAN SERIES 2    CHAPTER 2

    Nilingon ni Veronica ang lalaki na tumabi ng upo sa kaniya sa island counter. Kahit may tama na siya ng alak, naaaninag pa rin niya ang kahanga-hangang kagwapuhan nito. Parang may sariling isip ang hintuturong daliri niya na paglandasin iyon sa ilong ng binata pababa sa mapupulang labi nito.Bigla siyang tumawa nang pagak. “Umalis ka sa harapan ko. Ayoko sa mga lalaki. Allergic ako sa mga lalaking hindi marunong makuntento.”Nakaharap pa rin siya sa lalaki pero wala na ang daliri niya sa mga labi nito. Walang imik ang lalaki, nakatingin lang ito sa kaniya.Huminga siya nang malalim dahil sa kakaibang intensity ng tingin nito. “Umalis ka na.” Pagtataboy niya sa lalaki. “Hindi ko kailangan ng kasama. I can take care of myself. I'm an independent woman. Hindi ako tinitingnan ng mga lalaki na babae. Kasi ang mga lalaki walang bayag! Hindi kayang manindigan!”“Oh! Easy,” segunda ng lalaki na hanggang ngayon ay nasa tabi niya.“Isa pang vodka,” utos niya sa bartender.Kaagad naman siyang bi

  • A DANGEROUS MAN SERIES 2    CHAPTER 1

    VERONICA beamed with joy as she stepped off the plane. Her face lit up with a broad smile, conveying that she felt like she was finally home! Kababalik lang niya galing America. At masaya siya na sa mahabang panahon ng pananatili niya sa America para magtrabaho… sa wakas nandito na siya sa Pilipinas. Sa totoo niyang bansa. She’s back!Napakaraming taon din ang lumipas. Taon na hindi niya sinayang para makapag-ipon. Sapat na ang mga ipinapadala niya sa pamilya upang makabuo ng small business. Dalawang negosyo ang pinalago niya na ipinamamahala niya sa pamilya. Ang isa ay coffee shop na pinangalanan niyang Lala Pillow Bucks at ang isa naman ay flower shop.Surprise ang pag-uwi niya, hindi niya talaga ipinaalam sa pamilya niya ang pagbabalik-Pilipinas niya dahil gusto niyang magulat ang mga ito pag nakita siya. Hello again, Philippines…Huminga nang malalim si Veronica nang nasa tapat na siya ngayon ng gate kung saan ang bahay na ipinagawa niya para sa kanyang pamilya. Ang sarap sa pakir

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status