LOGIN“Mommy!”
“Mommy! Wake up!”
Nagising ako nang marinig ang boses ng batang lalaki. Boses iyon ni Miko, ang nag-iisang batang lalaki sa buhay ko. Imbis na bumangon ay nagtulog-tulugan ako upang asarin pa ang aking anak. Gustong-gusto ko kapag naririnig kong tinatawag niya akong Mommy. Pakiramdam ko buo ang pagkatao ko kahit nawasak ng nakaraan. Sa anim na taon, hindi ako naghanap dahil naging sapat na si Miko.
Anim na taon na si Miko simula nang isilang ko siya at palakihin kong mag-isa. Anim na taon ang lumipas, pero ang lalaking nagsabing worth it ako ay bigla na lamang nawala matapos ng gabing iyon. Matapos ang gabing ipinaramdam niya sa akin na babae ako at may halaga. Isinuko ko ang virginity ko sa isang lalaking hindi ko lubos kilala. Ngunit hindi ko pinagsisihan iyon dahil nang dumating sa buhay ko si Miko, ang malungkot at miserable kong buhay dahil sa mga taong nanakit sa akin ay naging makulay. Natuon ang buong buhay ko sa pagpapalaki kay Miko.
Miko ang ipinangalan ko sa aking anak dahil Mirko ang pangalan ng lalaking nakasama ko ng isang gabi kaya nabuo si Miko.
Kamusta na kaya siya? Sa anim na taon na lumipas, hindi pa rin mawala sa isip ko ang lalaking iyon. Hindi ko alam kung nasaan siya, hindi ko alam kung bakit nawala siya bigla. Nagising na lang ako isang araw sa penthouse niya na wala siya. Bumabalik-balik ako sa Cole Club at sa penthouse niya ngunit marami ang nagsasabi na bigla na lang daw nawala ang binata.
Hindi kaya tinakasan niya ako?
“Mommy, wake up! Malalate na ako sa school!” Patuloy akong niyuyogyog ni Miko upang gisingin ako.
Matamis akong ngumiti at bumangon. “Okay, okay. Babangon na si Mommy.”
“Yey! I want pancakes and milk!” masiglang sabi ni Miko.
Nang umalis na si Miko sa silid ko, tinungo ko ang banyo upang maligo sandali. At matapos asikasuhin ang sarili ko, bumaba na ako para ipagluto ng breakfast ang anak ko na papasok ng pre-school. Pan-gabi ako ngayon sa opisina na pinapasukan ko na isang publishing house kaya maaasikaso ko pa ang anak ko.
It’s already 10:00 in the morning.
Kahit paano, mahaba ang naging tulog ko dahil umuwi ako 3:00 am.
“Mommy, si Tito Ace at Marga ang kasabay ko pumasok? Pareho naman kami ng school, e. Gusto ko makalaro si Marga,” inosenteng sabi ni Miko.
“Miko, anak. Ayaw mo bang si Mommy ang maghatid sa’yo sa school?”
“Gusto,” malambing niyang sagot sabay pout, “Pero Mommy, I want to play with Marga. Please, Mommy?” pamimilit niya sa akin.
Si Marga ang anak ni Ace at Annika. Simula nang umalis ako noong gabing nalaman ko ang relasyon nilang dalawa, hindi na ako bumalik pa ng bahay. Kahit anong pakiusap nila ay hindi ako bumalik sa bahay. Pinaubaya ko sa kanila ang bahay na pinaghirapan ko at nagpundar ako ng sarili kong bahay sa pamamagitan ng negosyo ko at trabaho ko sa opisina. Hindi dahil mataas ang pride ko at nasasaktan ako, kundi dahil gusto ko ng peaceful na buhay na kami lang dalawa ng anak ko.
“After school, baby,” sabi ko at saka isinukbit ang bag niya sa shoulder niya.
“Okay,” malungkot niyang sagot.
Paglabas namin ng gate, nakita ko si Ace, Annika at ang anak nilang babae na si Marga. At dahil hindi naman ako bitter sa nakaraan, nginitian ko sila na parang walang nangyari, na parang hindi ako nasaktan.
“Marga!”
“Miko!”
Ang magpinsan ay nagsalubong ng takbo. Masaya akong magkasundo ang magpinsan na ito. Magkasundo rin naman kami ng kapatid kong si Annika noon, pero ngayon sapat na ang ngiti para masabing okay kami. Hindi na tulad ng dati. Hindi ko pa kasi kayang ibalik ang samahan namin noon matapos ang nangyari sa nakaraan.
“Veronica,” tawag pansin ni Ace sa akin.
Lumingon ako sa kanya.
“Isasabay na namin si Miko pagpasok. Pareho naman sila ng school.”
“Oh, hindi na kailangan, Ace. Salamat na lang.” Nilapitan ko si Miko at hinaplos ang buhok nito. “Let’s go, anak?”
“Veronica, okay lang naman sa amin na kami ang maghahatid kay Miko sa school, pareho naman sila ng school. Para makapagpahinga ka na rin,” suhestyon ni Ace.
Umiling-iling ako. “Hindi na, ako na lang ang maghahatid sa anak ko. Responsibilidad ko ‘yon bilang ina niya.” Pagkasabi ko niyon, ngumiti ako sa kanila. “Sige, una na kami. Bye, Marga!”
Nag-wave naman ng kamay si Marga sa amin. “Bye, Tita Veronica! Bye, Miko!”
“Bye, Marga! Play tayo after school, ah!” sigaw ni Miko bago kami tuluyang sumakay ng kotse.
“Okay!” balik sigaw ni Marga.
Months lang ang agwat ni Marga at Miko kaya hindi nagkakalayo ang edad nilang dalawa.
Nang iparada ko ang kotse sa tapat ng pre-school, nauna akong bumaba at pinagbuksan ko pa ng kotse si Miko.
“Galingan mo sa school, anak,” sabay kindat ko sa kanya.
“Okay, Mommy!”
Pumasok na sa loob si Miko kaya umalis na ako. Matalinong bata si Miko, mabilis siya matuto sa lahat ng bagay kaya iniiwasan kong makakita siya ng mga masamang gawi sa ibang tao. Ipinapakita ko sa kanya ang lahat ng mabubuting gawi para iyon ang ma-adopt niya.
Dumiretso ako sa Lala Pillow Bucks.
“Bea!”
Ang matinis na boses ni Mia ang sumalubong sa kanya. Ang best friend niya simula noong mga bata pa sila. Naiinis ako sa kanya dahil ilang beses ko siyang binigyan ng offer na magtrabaho sa akin para umalis na siya bilang dancer sa club, subalit tumatanggi siya.
Umupo ako sa katapat niyang upuan. “Why are you here? Nagbago na ba ang isip mo? Gusto mo na magtrabaho sa akin?”
Umiling-iling si Mia. “Hindi! Nandito ako dahil namiss kita!”
I rolled my eyes at her. “Well, hindi kita namiss.”
Akmang tatayo ako nang hilahin niya ako pabalik sa upuan ko. “Ikaw naman, Bea! Ayoko magtrabaho sa coffee shop mo dahil lang sa naaawa ka sa akin.” Tiningnan niya ako sabay pout. “Gusto ko din tumayo sa sarili kong mga paa, katulad mo…”
“Mommy!”“Mommy! Wake up!”Nagising ako nang marinig ang boses ng batang lalaki. Boses iyon ni Miko, ang nag-iisang batang lalaki sa buhay ko. Imbis na bumangon ay nagtulog-tulugan ako upang asarin pa ang aking anak. Gustong-gusto ko kapag naririnig kong tinatawag niya akong Mommy. Pakiramdam ko buo ang pagkatao ko kahit nawasak ng nakaraan. Sa anim na taon, hindi ako naghanap dahil naging sapat na si Miko.Anim na taon na si Miko simula nang isilang ko siya at palakihin kong mag-isa. Anim na taon ang lumipas, pero ang lalaking nagsabing worth it ako ay bigla na lamang nawala matapos ng gabing iyon. Matapos ang gabing ipinaramdam niya sa akin na babae ako at may halaga. Isinuko ko ang virginity ko sa isang lalaking hindi ko lubos kilala. Ngunit hindi ko pinagsisihan iyon dahil nang dumating sa buhay ko si Miko, ang malungkot at miserable kong buhay dahil sa mga taong nanakit sa akin ay naging makulay. Natuon ang buong buhay ko sa pagpapalaki kay Miko.Miko ang ipinangalan ko sa aking
Hindi siya makagalaw sa sandaling magkalapat ang kanilang mga labi. Paiinitin pa sana niya ang halik na sinimulan ng binata nang ilayo nito ang labi sa kaniyang mga labi at mapupungay ang mga matang tinitigan siya sa mga mata. Habang nanunuot sa kaibuturan niya ang titig ng binata ay siya ring bilis ng tibok ng kaniyang puso. Parang kinakarera ang puso niya sa bilis ng pagtibok niyon.“Ipaparamdam ko sa’yo kung gaano ka kahalaga at kaganda. You’re worth it, baby,” bulong ng binata sa tainga niya at ngumiti nang matamis.You’re worth it, baby. Hindi alam ni Veronica kung bakit parang naluluha siya nang marinig niya ang huling sinabi nito.Mirko tenderly cupped her face again and kissed her gently on the lips. Pakiramdam ni Veronica sa bawat halik ng binata ay isa siyang mahalagang babae na dapat hindi saktan at iwan, pakiramdam niya sa bawat haplos nito sa kaniyang likuran ay isa siyang prinsesa na dapat protektahan. His lips were warm and inviting. She felt safe in his presence. Wala
Nilingon ni Veronica ang lalaki na tumabi ng upo sa kaniya sa island counter. Kahit may tama na siya ng alak, naaaninag pa rin niya ang kahanga-hangang kagwapuhan nito. Parang may sariling isip ang hintuturong daliri niya na paglandasin iyon sa ilong ng binata pababa sa mapupulang labi nito.Bigla siyang tumawa nang pagak. “Umalis ka sa harapan ko. Ayoko sa mga lalaki. Allergic ako sa mga lalaking hindi marunong makuntento.”Nakaharap pa rin siya sa lalaki pero wala na ang daliri niya sa mga labi nito. Walang imik ang lalaki, nakatingin lang ito sa kaniya.Huminga siya nang malalim dahil sa kakaibang intensity ng tingin nito. “Umalis ka na.” Pagtataboy niya sa lalaki. “Hindi ko kailangan ng kasama. I can take care of myself. I'm an independent woman. Hindi ako tinitingnan ng mga lalaki na babae. Kasi ang mga lalaki walang bayag! Hindi kayang manindigan!”“Oh! Easy,” segunda ng lalaki na hanggang ngayon ay nasa tabi niya.“Isa pang vodka,” utos niya sa bartender.Kaagad naman siyang bi
VERONICA beamed with joy as she stepped off the plane. Her face lit up with a broad smile, conveying that she felt like she was finally home! Kababalik lang niya galing America. At masaya siya na sa mahabang panahon ng pananatili niya sa America para magtrabaho… sa wakas nandito na siya sa Pilipinas. Sa totoo niyang bansa. She’s back!Napakaraming taon din ang lumipas. Taon na hindi niya sinayang para makapag-ipon. Sapat na ang mga ipinapadala niya sa pamilya upang makabuo ng small business. Dalawang negosyo ang pinalago niya na ipinamamahala niya sa pamilya. Ang isa ay coffee shop na pinangalanan niyang Lala Pillow Bucks at ang isa naman ay flower shop.Surprise ang pag-uwi niya, hindi niya talaga ipinaalam sa pamilya niya ang pagbabalik-Pilipinas niya dahil gusto niyang magulat ang mga ito pag nakita siya. Hello again, Philippines…Huminga nang malalim si Veronica nang nasa tapat na siya ngayon ng gate kung saan ang bahay na ipinagawa niya para sa kanyang pamilya. Ang sarap sa pakir







