LOGINIsang gabi. Isang pagkakamali. Isang lihim na hindi niya inaasahan. Pagod na si Veronica Sedulga sa sakit at panloloko, kaya pinili niyang kalimutan ang lahat kahit isang gabi lang. Hanggang sa makilala niya si Mirko Gonzales. Guwapo. Misteryoso. Mapanganib. At hindi niya dapat pinagkatiwalaan. Isang gabi ang naging sapat para mabago ang lahat. Pero ang akala niyang matatapos lang doon ay simula pa lang pala. Lumipas ang mga taon, pilit niyang iniwan ang nakaraan… hanggang sa muli silang nagtagpo. Pero sa pagkakataong ito, parang hindi na siya kilala ng lalaking minsan niyang nakilala. Paano kung ang taong hindi mo makalimutan… ay siya namang hindi ka na maalala? At gaano kalayo ang kaya mong gawin… para sa isang pag-ibig na baka hindi na maibalik?
View MoreVERONICA beamed with joy as she stepped off the plane. Her face lit up with a broad smile, conveying that she felt like she was finally home! Kababalik lang niya galing America. At masaya siya na sa mahabang panahon ng pananatili niya sa America para magtrabaho… sa wakas nandito na siya sa Pilipinas. Sa totoo niyang bansa. She’s back!
Napakaraming taon din ang lumipas. Taon na hindi niya sinayang para makapag-ipon. Sapat na ang mga ipinapadala niya sa pamilya upang makabuo ng small business. Dalawang negosyo ang pinalago niya na ipinamamahala niya sa pamilya. Ang isa ay coffee shop na pinangalanan niyang Lala Pillow Bucks at ang isa naman ay flower shop.
Surprise ang pag-uwi niya, hindi niya talaga ipinaalam sa pamilya niya ang pagbabalik-Pilipinas niya dahil gusto niyang magulat ang mga ito pag nakita siya. Hello again, Philippines…
Huminga nang malalim si Veronica nang nasa tapat na siya ngayon ng gate kung saan ang bahay na ipinagawa niya para sa kanyang pamilya. Ang sarap sa pakiramdam niya na lahat ng pagod niya sa ibang bansa ay nagbunga ng maganda.
She had made a duplicate of the gate key to surprise her family. The idea was to get into the house without anyone being aware. She then quietly unlocked the gate and made her way to the house. She was careful not to make any noise so as not to alert anyone to her presence. Nang mapatapat siya sa bintana na nakaharap sa living room, nakita niya ang walang kamuwang-muwang na kasintahan niyang si Ace. Pinatira na kasi niya si Ace sa bahay na ipinagawa niya para may makakasamang lalaki ang nanay, kapatid niyang babae, at ang bunso nilang kapatid na lalaki.
Maaga namatay ang ama niya, kaya maaga rin naipatong ang mga responsibilidad sa kaniya bilang siya ang nakatatandang panganay. Tatlong taon lang naman ang pagitan nila ng pangalawa niyang kapatid na babae, pero mas pinili niyang siya ang mag-suffer, itigil ang pag-aaral niya, at makipagsapalaran sa ibang bansa bilang OFW.
“Ace! May ipis!”
Tumuon ang atensyon ni Veronica sa kapatid niyang babae na tumitili at tinatawag si Ace. Nanibago siya sa tawag ng kapatid niyang babae sa kasintahan niya. Dati-rati kasi kuya pa ang tawag nito kay Ace. Mas matanda si Ace sa kaniya ng dalawang taon, ibig sabihin lang ‘nun limang taon ang tanda nito sa kapatid niyang babae.
Lalabas na sana siya sa pinagtataguan niya… nang marinig niyang magsalita si Ace.
“Love, ipis lang ‘yon.”
Love? Hindi alam ni Veronica kung tama ba ang pagkakarinig niyang tawag ni Ace sa kapatid niyang si Annika.
Nang maupo ang dalawa sa mahabang sofa, kapwa nakangiti sa isa’t isa ang dalawa na para bang may namamagitan sa mga ito. Mga ngiting ni minsan ay hindi niya nakita kay Ace. Ayaw niyang mag-isip ng marumi pero—
No… Hindi…
Parang sinasaksak nang paulit-ulit ang puso ni Veronica nang masaksihan mismo ng mga mata niya ang kapatid niyang babae na nasa kandungan ngayon ni Ace, habang magkalapat ang kanilang mga labi sa isa’t isa.
Wala sa sarili si Veronica. Naninigas siya sa galit at sakit na nararamdaman niya.
Nakayukom ang dalawang kamay niya nang pumasok siya sa loob ng bahay.
“Surprise! I’m back!”
Humarap ang dalawa sa kaniya at kitang-kita ang pinaghalong gulat at takot sa mga mata nito. At dahil siguro sa lakas ng boses niya, lumabas ang kaniyang ina na nakasuot pa ng apron at may hawak na sandok, habang ang kapatid niyang lalaki ay hawak ang tablet na ipinadala niya rito upang gamitin sa pag-aaral.
They looked uneasy and scared. They stared at her with a strange expression, as if they were hiding something from her. Mababakas sa mukha ng mga ito ang matinding gulat at walang gustong tumingin sa mga mata niya.
“Akala ko kayo ang masu-surprise ko, e. Ang hindi ko alam ako pala ang magugulat sa mga rebelasyon? Wow!” Pinatatag niya ang sarili para hindi mabuwag. “What did I just witness, Annika? Why were you kissing my boyfriend?”
“A-ate Veronica…” pabulong na bigkas ni Annika sa pangalan niya.
“Answer me, Annika!” bulalas niya, hindi niya napigilan ang sarili na hindi mailabas ang galit at sakit na nararamdaman niya. “Bakit kayo naghahalikan ng boyfriend ko? Parte ba ‘yon ng closeness ninyo? Parte ba ‘yon ng sorpresa? Parte ba ‘yon sa darating na kasal namin next month?” bawat bigkas ng tanong ay siya rin ang sunod-sunod na pagtulo ng luha na nanggagaling sa mga mata niya. “Sagutin mo ang mga tanong ko!”
“A-ate… Patawad… Patawad—”
Tumawa siya nang mapakla. “Patawad? Oh, come on, Annika. Patawad dahil nilandi mo ang boyfriend ko? Patawad kasi ano?” Lumapit siya sa kapatid niya at agad na iniharang ni Ace ang sarili upang protektahan ito sa kaniya. “She’s pregnant, Veronica,” segunda ni Ace.
Gumuho ang mundo ni Veronica. Pakiramdam niya pinagtaksilan siya ng langit at lupa. Nagmamanhid ang buong katawan niya, nagpantig ang mga tenga niya. Pilit niyang inaarok ang sinabi ng kasintahan niya. Hindi… hindi ‘yan totoo. Bakit?
She’s pregnant… No!
Nanghihinang napaupo si Veronica sa isang upuan.
Umiling-iling siya. “No— hindi mo kayang gawin sa akin ‘to, Ace…” Tuluyang bumugso ang luha sa mga mata niya. “Ang sabi mo pagbalik ko sa Pilipinas, magpapakasal tayo. Ang sabi mo… kaya mo ‘kong hintayin dahil mahal mo ‘ko. Pero bakit?”
Malamlam ang mga matang nakatingin sa kaniya si Ace. “Veronica. Naghintay ako. Pero nangungulila na ako, nangangailangan ng atensyon, at dahil malayo ka, naramdaman ko iyon kay Annika. May nangyari sa amin isang gabi hanggang sa magising ako isang araw na siya na pala ang mahal ko.” Hahawakan sana siya ni Ace nang tabigin niya ang kamay nito. “Patawad, Veronica. Humahanap lang ako ng tyempo para kausapin ka.”
Ngumiti siya habang hilam ng luha ang mga mata niya. “Ganoon lang kababaw ang dahilan—” Hindi na niya kayang ituloy ang sasabihin niya. Itinaas niya ang dalawang tuhod at doon niya isinandal ang ulo niya habang patuloy ang pag-agos ng mga luha sa mata niya.
Naramdaman niyang may tumabi sa kaniya sa upuan. “A-anak… Patawarin mo kami.”
Inalis niya ang ulo sa pagkakayupyop sa tuhod niya at nilingon ang kaniyang ina na ngayon ay nakaupo sa tabi niya. “A-alam ninyong lahat ‘to? Alam ninyo na may relasyon na si Annika at Ace?”
May pag-aalangan na tumango ang kaniyang ina. “Anak, hindi namin masabi sa’yo ang totoo dahil natatakot kami na baka kung ano ang gawin mo habang nasa abroad ka— kaya pinili naming itago sa’yo.”
Huminga si Veronica nang malalim. “Hindi ko kayo sinumbatan, hindi ako nagkulang, hindi ko kayo pinabayaan. Binigay ko lahat, ‘di ba? Kasi mahal ko kayo, e. Pero bakit ito pa ang igaganti ninyo? Nag-sacrifice ako na tumigil sa pag-aaral para sa inyo!” Dinuro niya ang kapatid na si Annika. “Ikaw, Annika, pinag-aral kita! Kasi gusto ko maging maganda ang future mo! Kasi ayokong dumating sa punto na matulad kayo sa akin! Tapos ano? Buntis ka?” Umiling-iling siya. “Masakit malaman na buntis ka dahil may pangarap ako para sa’yo… Pero mas masakit pala malaman na buntis ka at kasintahan ko ang ama. Paano mo nagawa sa akin ‘to?!”
“Ate, pakinggan mo muna ako—”
“Paano kita pakikinggan? Malinaw na ang lahat sa akin! Hindi ko kailangan makinig!”
Akmang lalapitan siya ni Annika nang tumayo siya. “Huwag mo akong lapitan. Utang na loob, Annika,” mahinahon ngunit may diin niyang sabi.
“A-ate, gusto ko lang magpaliwanag…”
“Hindi na kailangan,” walang emosyon na sabi niya. “Ang sakit-sakit. Pamilya ko ang dahilan kung bakit ako masaya. Hindi ko inaasahan na pamilya ko rin pala ang dahilan kung bakit ako nasasaktan ngayon.” Pagkasabi niya niyon, tinalikuran niya ang mga ito at walang pasabing tumakbo palabas ng bahay.
Tinatawag pa siya ng mga ito ngunit wala siyang pakialam. Hindi niya kayang harapin ang pamilya niya.
NAGLALAKAD sa kawalan si Veronica habang umaapaw ang mga luha sa kaniyang mga mata. Ilang lalaki na ba ang nagwasak ng puso niya? Ilang lalaki na ba ang pinaniwalaan niya dahil sa mabulaklak na mga salita? Alam niya sa sarili na hindi siya nagkulang, binuhos niya ang lahat sa pagmamahal, tapos ang matatanggap niya ay pagkawasak ng puso?
Ang dami niyang binago sa sarili niya para lang hindi siya iwan ng mga lalaking minahal niya. Hinanapan niya ng mali ang sarili, hinanapan niya ng pagkukulang ang sarili para lang masagot ang mga katanungan niya: bakit ako iniiwan at ipinagpapalit? May mali ba sa akin? Hindi ba ako sapat?
She tried to make herself more appealing by changing her appearance and her habits, but nothing seemed to work. She became desperate and tried anything she could think of, hoping it would make a difference. Despite her efforts, it seemed nothing was enough to keep the man she loved from leaving her. She was left feeling broken and defeated, like she was not enough for the one she loved.
Pumunta siya sa Cole Club para puntahan si Mia, ang matalik niyang kaibigan. Ito lang naman ang makikinig sa kaniya. Subalit bigo siyang makita ang kaibigan— hindi daw pumasok ngayon ito kaya mag-isa siyang iinom at magmumukmok. Shit! Palagi na siyang mag-isa!
“Hello, gorgeous. What brings you to this place unaccompanied?”
“Mommy!”“Mommy! Wake up!”Nagising ako nang marinig ang boses ng batang lalaki. Boses iyon ni Miko, ang nag-iisang batang lalaki sa buhay ko. Imbis na bumangon ay nagtulog-tulugan ako upang asarin pa ang aking anak. Gustong-gusto ko kapag naririnig kong tinatawag niya akong Mommy. Pakiramdam ko buo ang pagkatao ko kahit nawasak ng nakaraan. Sa anim na taon, hindi ako naghanap dahil naging sapat na si Miko.Anim na taon na si Miko simula nang isilang ko siya at palakihin kong mag-isa. Anim na taon ang lumipas, pero ang lalaking nagsabing worth it ako ay bigla na lamang nawala matapos ng gabing iyon. Matapos ang gabing ipinaramdam niya sa akin na babae ako at may halaga. Isinuko ko ang virginity ko sa isang lalaking hindi ko lubos kilala. Ngunit hindi ko pinagsisihan iyon dahil nang dumating sa buhay ko si Miko, ang malungkot at miserable kong buhay dahil sa mga taong nanakit sa akin ay naging makulay. Natuon ang buong buhay ko sa pagpapalaki kay Miko.Miko ang ipinangalan ko sa aking
Hindi siya makagalaw sa sandaling magkalapat ang kanilang mga labi. Paiinitin pa sana niya ang halik na sinimulan ng binata nang ilayo nito ang labi sa kaniyang mga labi at mapupungay ang mga matang tinitigan siya sa mga mata. Habang nanunuot sa kaibuturan niya ang titig ng binata ay siya ring bilis ng tibok ng kaniyang puso. Parang kinakarera ang puso niya sa bilis ng pagtibok niyon.“Ipaparamdam ko sa’yo kung gaano ka kahalaga at kaganda. You’re worth it, baby,” bulong ng binata sa tainga niya at ngumiti nang matamis.You’re worth it, baby. Hindi alam ni Veronica kung bakit parang naluluha siya nang marinig niya ang huling sinabi nito.Mirko tenderly cupped her face again and kissed her gently on the lips. Pakiramdam ni Veronica sa bawat halik ng binata ay isa siyang mahalagang babae na dapat hindi saktan at iwan, pakiramdam niya sa bawat haplos nito sa kaniyang likuran ay isa siyang prinsesa na dapat protektahan. His lips were warm and inviting. She felt safe in his presence. Wala
Nilingon ni Veronica ang lalaki na tumabi ng upo sa kaniya sa island counter. Kahit may tama na siya ng alak, naaaninag pa rin niya ang kahanga-hangang kagwapuhan nito. Parang may sariling isip ang hintuturong daliri niya na paglandasin iyon sa ilong ng binata pababa sa mapupulang labi nito.Bigla siyang tumawa nang pagak. “Umalis ka sa harapan ko. Ayoko sa mga lalaki. Allergic ako sa mga lalaking hindi marunong makuntento.”Nakaharap pa rin siya sa lalaki pero wala na ang daliri niya sa mga labi nito. Walang imik ang lalaki, nakatingin lang ito sa kaniya.Huminga siya nang malalim dahil sa kakaibang intensity ng tingin nito. “Umalis ka na.” Pagtataboy niya sa lalaki. “Hindi ko kailangan ng kasama. I can take care of myself. I'm an independent woman. Hindi ako tinitingnan ng mga lalaki na babae. Kasi ang mga lalaki walang bayag! Hindi kayang manindigan!”“Oh! Easy,” segunda ng lalaki na hanggang ngayon ay nasa tabi niya.“Isa pang vodka,” utos niya sa bartender.Kaagad naman siyang bi
VERONICA beamed with joy as she stepped off the plane. Her face lit up with a broad smile, conveying that she felt like she was finally home! Kababalik lang niya galing America. At masaya siya na sa mahabang panahon ng pananatili niya sa America para magtrabaho… sa wakas nandito na siya sa Pilipinas. Sa totoo niyang bansa. She’s back!Napakaraming taon din ang lumipas. Taon na hindi niya sinayang para makapag-ipon. Sapat na ang mga ipinapadala niya sa pamilya upang makabuo ng small business. Dalawang negosyo ang pinalago niya na ipinamamahala niya sa pamilya. Ang isa ay coffee shop na pinangalanan niyang Lala Pillow Bucks at ang isa naman ay flower shop.Surprise ang pag-uwi niya, hindi niya talaga ipinaalam sa pamilya niya ang pagbabalik-Pilipinas niya dahil gusto niyang magulat ang mga ito pag nakita siya. Hello again, Philippines…Huminga nang malalim si Veronica nang nasa tapat na siya ngayon ng gate kung saan ang bahay na ipinagawa niya para sa kanyang pamilya. Ang sarap sa pakir
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.