Mag-log inHindi pa rin ako mapakali matapos ang nangyari sa mall. Kahit nakauwi na kami at ilang oras na ang lumipas, pakiramdam ko naroon pa rin ako sa gitna ng kaguluhan—sa ingay ng mga sigawan, sa takot na muntik nang pumigil sa paghinga ko nang mawala si Miko sa paningin ko.Pero higit sa lahat, hindi mawala sa isip ko ang lalaking sumagip sa anak ko.Hindi ko man nakita nang malinaw ang mukha niya kanina dahil sa suot niyang maskara, may kakaiba sa kaniya. May kung anong pamilyar sa kilos niya, lalo na sa paraan ng paghawak niya kay Miko. Maingat. Parang ayaw niya itong masaktan kahit kaunti.“Mommy?”Napakurap ako at napatingin kay Miko. Nasa sala kami at nakaupo siya sa sofa habang yakap ang paborito niyang teddy bear. Tahimik ang buong bahay, pero ramdam ko pa rin ang bigat ng nangyari.“Hm, baby?” pilit kong sagot habang inaayos ang sarili ko.“‘Yung lalaki kanina…” maingat niyang panimula, “siya ‘yung nagligtas sa akin.”Napalunok ako.“I know.”“Mommy… he’s nice.” Inosente ang tingin
KASALUKUYANG nagpapahinga si Mirko dahil sumasakit ang ulo niya kanina, mabuti na lamang at may gamot siya na pain reliever. Madalas ang pananakit ng ulo niya dahil meron siyang matinding memory loss. ‘Nung araw na magkaroon ng gulo sa Cole Club at madamay siya sa gulong iyon, nagkaroon ng matinding damage ang ulo niya at halos isang taon siya sa US upang doon magpagaling. Maayos na ang lagay niya pero may isang araw siyang hindi maalala. Lahat ng alaala ‘nung araw na ‘yon ay nabura sa memorya niya. Sa tuwing pipilitin niyang alalahanin ang araw na iyon, sumasakit ang ulo niya. “Hey, Mirko. Kailangan daw tayo ni Jondray.” Biglang sumulpot si Cooper na ngayon ay inaayos ang mga weapons na nakatambak sa storage room niya. Kade-deliver lang ng mga weapons sa kanya na galing sa pabrika ng mga weapons na ipinatayo niya dito sa Pilipinas. Si Mirko ang nag-susupply ng iba’t-ibang weapons sa buong pilipinas kasama na ang mga matataas na kapulisan at commander. “He’s in trouble again?” Mir
“Mommy!”“Mommy! Wake up!”Nagising ako nang marinig ang boses ng batang lalaki. Boses iyon ni Miko, ang nag-iisang batang lalaki sa buhay ko. Imbis na bumangon ay nagtulog-tulugan ako upang asarin pa ang aking anak. Gustong-gusto ko kapag naririnig kong tinatawag niya akong Mommy. Pakiramdam ko buo ang pagkatao ko kahit nawasak ng nakaraan. Sa anim na taon, hindi ako naghanap dahil naging sapat na si Miko.Anim na taon na si Miko simula nang isilang ko siya at palakihin kong mag-isa. Anim na taon ang lumipas, pero ang lalaking nagsabing worth it ako ay bigla na lamang nawala matapos ng gabing iyon. Matapos ang gabing ipinaramdam niya sa akin na babae ako at may halaga. Isinuko ko ang virginity ko sa isang lalaking hindi ko lubos kilala. Ngunit hindi ko pinagsisihan iyon dahil nang dumating sa buhay ko si Miko, ang malungkot at miserable kong buhay dahil sa mga taong nanakit sa akin ay naging makulay. Natuon ang buong buhay ko sa pagpapalaki kay Miko.Miko ang ipinangalan ko sa aking
Hindi siya makagalaw sa sandaling magkalapat ang kanilang mga labi. Paiinitin pa sana niya ang halik na sinimulan ng binata nang ilayo nito ang labi sa kaniyang mga labi at mapupungay ang mga matang tinitigan siya sa mga mata. Habang nanunuot sa kaibuturan niya ang titig ng binata ay siya ring bilis ng tibok ng kaniyang puso. Parang kinakarera ang puso niya sa bilis ng pagtibok niyon.“Ipaparamdam ko sa’yo kung gaano ka kahalaga at kaganda. You’re worth it, baby,” bulong ng binata sa tainga niya at ngumiti nang matamis.You’re worth it, baby. Hindi alam ni Veronica kung bakit parang naluluha siya nang marinig niya ang huling sinabi nito.Mirko tenderly cupped her face again and kissed her gently on the lips. Pakiramdam ni Veronica sa bawat halik ng binata ay isa siyang mahalagang babae na dapat hindi saktan at iwan, pakiramdam niya sa bawat haplos nito sa kaniyang likuran ay isa siyang prinsesa na dapat protektahan. His lips were warm and inviting. She felt safe in his presence. Wala
Nilingon ni Veronica ang lalaki na tumabi ng upo sa kaniya sa island counter. Kahit may tama na siya ng alak, naaaninag pa rin niya ang kahanga-hangang kagwapuhan nito. Parang may sariling isip ang hintuturong daliri niya na paglandasin iyon sa ilong ng binata pababa sa mapupulang labi nito.Bigla siyang tumawa nang pagak. “Umalis ka sa harapan ko. Ayoko sa mga lalaki. Allergic ako sa mga lalaking hindi marunong makuntento.”Nakaharap pa rin siya sa lalaki pero wala na ang daliri niya sa mga labi nito. Walang imik ang lalaki, nakatingin lang ito sa kaniya.Huminga siya nang malalim dahil sa kakaibang intensity ng tingin nito. “Umalis ka na.” Pagtataboy niya sa lalaki. “Hindi ko kailangan ng kasama. I can take care of myself. I'm an independent woman. Hindi ako tinitingnan ng mga lalaki na babae. Kasi ang mga lalaki walang bayag! Hindi kayang manindigan!”“Oh! Easy,” segunda ng lalaki na hanggang ngayon ay nasa tabi niya.“Isa pang vodka,” utos niya sa bartender.Kaagad naman siyang bi
VERONICA beamed with joy as she stepped off the plane. Her face lit up with a broad smile, conveying that she felt like she was finally home! Kababalik lang niya galing America. At masaya siya na sa mahabang panahon ng pananatili niya sa America para magtrabaho… sa wakas nandito na siya sa Pilipinas. Sa totoo niyang bansa. She’s back!Napakaraming taon din ang lumipas. Taon na hindi niya sinayang para makapag-ipon. Sapat na ang mga ipinapadala niya sa pamilya upang makabuo ng small business. Dalawang negosyo ang pinalago niya na ipinamamahala niya sa pamilya. Ang isa ay coffee shop na pinangalanan niyang Lala Pillow Bucks at ang isa naman ay flower shop.Surprise ang pag-uwi niya, hindi niya talaga ipinaalam sa pamilya niya ang pagbabalik-Pilipinas niya dahil gusto niyang magulat ang mga ito pag nakita siya. Hello again, Philippines…Huminga nang malalim si Veronica nang nasa tapat na siya ngayon ng gate kung saan ang bahay na ipinagawa niya para sa kanyang pamilya. Ang sarap sa pakir







