Lord, seryosong usapan po. Kung bibigyan Niyo po ako ng choice ngayon kung anong gusto kong makasalubong dito sa naglalakihang pasilyo ng Cortez Mansion, pramis, pipiliin ko na lang ang multo. Kahit si White Lady na may kasamang background music na nakakatakot, o kaya ’yung pugot na ulo na naghahanap ng sumbrero, I will gladly say, “Hi, friend! Kumusta ang kabilang buhay?” Huwag lang... huwag na huwag lang talaga si Lucien Cortez!Paano ba naman kasi, simula nung Abs Incident sa kwarto niya kung saan nag-feeling X-ray vision ang mga mata ko, hiyang-hiyang-hiya na talaga ang lola niyo! Halatang-halata niya na nakatitig ako sa kaniyang pang-sports-magazine na katawan. At ang mas malala? Dahil sa nakita ko, biglang nag-play ang isang bawal na senaryo sa utak ko—ang gabi sa Room 1013 limang taon na ang nakalipas.Shocks, Althea! Biglang nag-flashback sa akin kung paano niya ako niyakap nung gabing ’yun, kung gaano kabilis ang tibok ng puso niya, at kung gaano kinitid ang distansya naming
Last Updated : 2026-05-16 Read more