Mag-log inNang tawagin ng isang bata si Lucien Cortez na “Papa,” nabasag ang limang taong lihim. Pinili ni Althea Reyes na itago ang bunga ng isang gabing pagkakamali. Para sa kanya, sapat nang manatili sa mundong tahimik at malayo sa lalaking hindi niya kailanman naging bahagi. Ngunit sa isang hindi inaasahang pagkakataon, napadpad siya sa mansyon ng mga Cortez at muling nagkrus ang landas nila. Hindi siya maalala ni Lucien. Ngunit hindi rin niya magawang iwasan ito. Habang unti-unting lumalabas ang katotohanan, mas nagiging komplikado ang lahat. Lalo na nang mabunyag na ang alaala ni Lucien ay unti-unting nawawala kasama ang anumang koneksyon niya kay Althea. At sa gitna ng pagkalimot, may isang bagay na nananatili. Isang damdaming hindi niya maipaliwanag ngunit hindi rin niya kayang bitawan. Kapag ang alaala ay tuluyang nawala, sapat pa ba ang damdamin para manatili ang pag-ibig?
view moreCORTEZ MANSION, Year 2026
Sa gitna ng sikat ng araw na tumatagos sa naglalakihang bintana ng mansyon ng mga Cortez, hila-hila ni Althea Reyes ang maliit na maleta ng kaniyang gamit at ang malambot na kamay ng kaniyang limang taong gulang na anak na si Aeron. Isang private nurse si Althea para sa mag-asawang Donya Elena at Don Ricardo Cortez, at dahil biglaang nag-day off ang kaniyang nanay na siyang tanging bantay ng bata, wala siyang ibang pagpipilian kundi isama ang anak sa trabaho. “Aeron, baby, listen to Mommy,” seryosong sabi ni Althea habang nakaluhod sa tapat ng bata bago sila pumasok sa main door. “This is a very big house. Maraming mamahaling gamit dito. You stay in the staff lounge, okay? Don’t run, don’t shout, and most importantly, behave. Maliwanag?” Tumango ang bata, ang kaniyang malalaking mata ay puno ng kuryosidad. “Yes, Mommy. I’ll just read my book and solve my puzzles.” Sa edad na lima, si Aeron ay hindi ordinaryong bata. Maliban sa taglay nitong kaguwapuhan na madalas ipagpapasalamat ni Althea sa isang gabi ng pagkakamali na pilit niyang kinakalimutan ay napakatalino rin nito. Ang kaniyang pananalita ay mas matanda pa kaysa sa kaniyang edad. Nang makapasok sila, agad na nag-umpukan ang mga kasambahay. “Hala! Althea, anak mo ba ito? Napakaguwapo!” tili ni Manang Celia. “Naku, mukhang anak ng mayaman! Saan mo ba ito pinaglihi, Althea? Parang galing sa commercial ng gatas!” dagdag pa ni Jessa, ang pinakabatang katulong sa mansyon. Lumapit si Jessa kay Aeron at sinubukang kurutin ang pisngi nito. “Hi, pogi! Alam mo ba kung gaano ka ka-cute? Gusto mo ba ng candy? Para ibigay mo sa akin ang number ng Daddy mo,” biro ni Jessa na tumatawa. Tumingin si Aeron kay Jessa, walang emosyon ang kaniyang mukha. “Miss, according to my logic, you don't need my father's number. You need a better skincare routine. Your pores are visibly dilated and you have dark circles under your eyes. You should sleep more instead of looking for numbers.” Natahimik ang buong kitchen area. Ang tawang kanina ay umalingawngaw ay napalitan ng awang tingin kay Jessa na ngayo’y tila estatwa, namumula ang mukha sa pagkapahiya. “Aeron!” sita ni Althea, bagaman pilit niyang itinatago ang ngiti. “What, Mommy? I was just giving her professional health advice,” inosenteng sagot ng bata. “Ayan, Jessa, pilyo ka kasi! Napahiya ka tuloy sa bata. Ang talino nito, Althea!” hagalpak ni Manang Celia habang inaabutan ng biskwit si Aeron. Lumipas ang ilang oras at naging kampante na si Althea. Tulog na ang mag-asawang Cortez pagkatapos nilang uminom ng gamot, kaya pansamantalang nakiupo muna siya sa Staff Hall kasama ang ibang trabahante. Masaya ang kwentuhan, puno ng asaran at tawanan. “Alam mo ba, Althea, kung hindi ka lang naging nurse, baka naging model ka na rin,” pang-uuto ni Mang Kanor, ang hardinero. “Naku, Mang Kanor, tigilan mo ako. Ang modelo lang na kaya ko ay model ng fatigue at puyat,” tumatawang sagot ni Althea habang kumakain ng pansit. “Ay, naku, speaking of model! Alam niyo ba ang balita?” biglang singit ni Marites, ang pinaka-tsismosa sa grupo. “Ang bunsong anak nina Donya Elena, si Sir Lucien? Balitang-balita na may dine-date na namang sikat na aktres kahit matagal niya nang fiancée ’yong Victoria. Balita ko rin ay uuwi raw dito ’yun para asikasuhin ang business ng pamilya.” Biglang nabulunan si Althea. Mabilis niyang inabot ang tubig. “L-Lucien? Kailan daw?” “Ewan ko ba dun, balitang susulpot lang daw na parang kabute,” sagot ni Marites. “Pero aminin mo, Althea, nung huling uwi nun dito, nakita mo ba? Sobrang bango! Yung amoy na kahit nakatalikod ka, alam mong yayamanin ang dadaan.” “Hoy, Marites! Huwag mong landiin si Sir Lucien sa harap ni Althea, baka matakot ’yan,” biro ni Manang Celia. “Pero totoo, napaka-strikto nun. Walang pinapalampas na mali.” Biglang tumahimik ang paligid nang marinig ang mabilis na yabag ng sapatos sa hallway. Hingal na hingal na pumasok ang isa sa mga security guards. “Guys! Guys! Nandiyan na! Ang sasakyan ni Sir Lucien, pumasok na sa gate!” anunsyo nito. Parang binuhusan ng malamig na tubig si Althea. Ang tawanan sa Staff Hall ay napalitan ng taranta. Nagpulasan ang mga kasambahay para ayusin ang kanilang mga sarili. Pero si Althea, nanatiling nakatayo, nanlalamig ang mga kamay. Kumabog ang dibdib niya nang napakabilis. Alam niyang darating ang araw na ito dahil ito ang bahay ni Lucien, pero umasa siyang hindi sila magtatagpo. Limang taon na ang nakalipas. Isang gabi sa isang charity gala kung saan siya ay nagpanggap na girlfriend ng kaniyang kaibigan. Siya at si Lucien ay lulong sa alak. Isang pagkakamali. Isang gabi na nagbunga ng pinakamahalagang regalo sa buhay niya—si Aeron. Huminga ka, Althea, utos niya sa sarili. Lahat ng Santo, tulungan niyo ako. Pinakalma niya ang sarili. Limang taon na ang nakalipas. Nakatali ang buhok ko ngayon, naka-uniporme, at madilim sa hotel na ’yun noon. Hindi niya ako makikilala. Isang gabi lang ’yun. Irrelevant lang ako sa buhay ng isang bilyonaryong katulad niya. Hindi niya ako maaalala. Pinuntahan ni Althea si Aeron na tahimik na naglalaro sa isang sulok ng lounge. “Aeron, baby, listen. Stay here, okay? Huwag kang lalabas. May darating na bisita ang mga boss ni Mommy.” “Is it the important man, Mommy?” tanong ni Aeron, nakatingala sa kaniya. “Yes, baby. So please, stay put.” Lumabas si Althea sa hallway para sumalubong, kasama ang iba pang staff na nakahanay na parang mga sundalo. Ang malaking pinto ng mansyon ay bumukas, at pumasok ang isang lalaking may tindig na tila nagmamay-ari ng mundo. Suot ni Lucien Cortez ang isang charcoal gray suit na saktong-sakto sa kaniyang matipunong pangangatawan. Ang kaniyang buhok ay maayos na naka-style, at ang kaniyang mukha ay tila inukit ng mga anghel pero may lamig na sapat para magpabitaw ng kuryente sa sinumang tumingin sa kaniya. Yumuko ang lahat. “Welcome home, Sir Lucien.” Tumango lang siya, walang ngiti. Ang kaniyang mga mata ay lumingon sa paligid, malamig at mapanuri. Tumigil ang kaniyang paningin kay Althea. Bahagyang kumunot ang kaniyang noo, tila may pilit na inaalala. Parang hihimatayin si Althea sa kaba. Ibinaba niya lalo ang kaniyang tingin. Please, huwag mo akong makilala. Please, lumakad ka na paakyat. Humakbang si Lucien papalapit sa direksyon ni Althea. Ang bawat tunog ng sapatos nito sa marble floor ay parang hatol ng kamatayan para sa kaniya. Pero hindi siya nito kinausap. Lalampasan na sana siya nito nang biglang may marinig silang maliit na boses mula sa likuran. “Mommy, I finished my puzzle!” Lumuwa ang mata ni Althea. Lumabas si Aeron mula sa Staff Hall, hawak ang kaniyang puzzle board. Ang lahat ng staff ay napasinghap. Alam ng lahat na ayaw ni Lucien ng gulo o ingay, lalo na ang mga bata sa kaniyang teritoryo. Tumigil si Lucien sa paglalakad. Dahan-dahan siyang lumingon para tignan ang bata. Nagtagpo ang tingin ni Lucien at ni Aeron. Katahimikan ang bumalot sa buong mansyon. Ang mga kasambahay ay tila hindi makahinga. Si Althea naman ay handa na sanang humingi ng paumanhin at hilahin ang anak palayo. Pero bago pa man makapagsalita si Althea, binitawan ni Aeron ang kaniyang puzzle board. Ang kaniyang mga mata ay kuminang sa tuwa habang nakatingin sa mukha ng bilyonaryo. Isang ngiti ang sumilay sa labi ng bata—ang ngiting eksaktong kopya ng ngiti ni Lucien Cortez. Tumakbo si Aeron patungo kay Lucien at yumakap sa binti nito. Tumingala ang bata at masayang sumigaw. “Papa!”Lord, seryosong usapan po. Kung bibigyan Niyo po ako ng choice ngayon kung anong gusto kong makasalubong dito sa naglalakihang pasilyo ng Cortez Mansion, pramis, pipiliin ko na lang ang multo. Kahit si White Lady na may kasamang background music na nakakatakot, o kaya ’yung pugot na ulo na naghahanap ng sumbrero, I will gladly say, “Hi, friend! Kumusta ang kabilang buhay?” Huwag lang... huwag na huwag lang talaga si Lucien Cortez!Paano ba naman kasi, simula nung Abs Incident sa kwarto niya kung saan nag-feeling X-ray vision ang mga mata ko, hiyang-hiyang-hiya na talaga ang lola niyo! Halatang-halata niya na nakatitig ako sa kaniyang pang-sports-magazine na katawan. At ang mas malala? Dahil sa nakita ko, biglang nag-play ang isang bawal na senaryo sa utak ko—ang gabi sa Room 1013 limang taon na ang nakalipas.Shocks, Althea! Biglang nag-flashback sa akin kung paano niya ako niyakap nung gabing ’yun, kung gaano kabilis ang tibok ng puso niya, at kung gaano kinitid ang distansya naming
Grabe, as in level 999 na ang pagkabagot ko rito sa mansion ngayong araw. Alam niyo ’yung feeling na handa kang makipagbakbakan sa trabaho, ’yung tipong ready kang mag-CPR ng sampung tao nang sabay-sabay, pero ang ending ay nakatunganga ka lang sa magarbo nilang kisame? Ganun ako ngayon.Minsan talaga, napapaisip ako kung nurse ba ako o glorified alarm clock. Ang trabaho ko lang naman kasi rito ay i-monitor ang blood pressure nina Don Ricardo at Donya Elena—na buti naman at stable sa ngayon—at painumin sila ng maintenance meds on time. Tapos? Wala na. Nganga na ang lola niyo. Malaki rin talaga ang pasasalamat ko kay Adrian dahil dinala niya ako rito sa bakasyon na may sahod na trabahong ito, pero bes, ang hirap pala kapag walang ginagawa!At siyempre, ang pinakamahirap sa lahat? Miss na miss ko na ang baby scientist ko, si Aeron. Simula nang bumalik si Aling Nena—o Nanay Nena na ang tawag namin sa kaniya dahil siya na talaga ang tumayong lola ni Aeron—ay bumalik na rin ang anak ko sa
ALTHEA’s POVNaranasan niyo na ba yung feeling na parang sasabog ang puso niyo hindi dahil sa kilig, kundi dahil sa sobrang kaba? Yung tipong gusto mo nang mag-ala-Flash sa bilis dahil nawawala ang pinakamahalagang treasure ng buhay mo? Ganito ang eksena sa Cortez Mansion ngayon, at hindi ito dahil sa isang nawawalang mamahaling alahas o painting. Mas malala pa roon.Nawawala si Aeron.Kanina lang, maayos siyang natutulog sa maid’s quarters habang tinatapos ko ang ilang paperworks para sa gamot ni Donya Elena. Pero pagbalik ko, tanging ang unan na lang niya ang nandoon. Wala na ang maliit kong explorer.“Aeron! Baby!” tawag ko habang mabilis na naglalakad sa mga pasilyo.Hindi lang ako ang naghahanap. Dahil nga instant celebrity ang anak ko sa mansion—salamat sa kaniyang matabil na dila at pagmumukhang carbon copy ng amo namin—halos lahat ng mga kasambahay ay tumutulong na rin sa paghahanap. Sila Manang Celia, si Marites, pati na ang mga drivers. Lahat sila ay abalang-abala sa paghagi
LUCIEN’s POV Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ni Mommy. Ang mansion na ito ay isang simbolo ng kaayusan, katahimikan, at higit sa lahat, ng kapangyarihan ng mga Cortez. Hindi ito daycare center. Hindi rin ito parke para sa mga batang kung anu-anong itinatawag sa mga taong hindi naman nila kilala. Pumasok ako sa kwarto ni Mommy, seryoso ang mukha ko. “Mom, can we talk? I need an explanation. Bakit mo hinahayaan na magdala ng bata ang nurse mo rito? This is unprofessional. Paano niya magagawa ang trabaho niya kung ang atensyon niya ay nakahati sa anak niya? Binabayaran natin siya para mag-alaga sa inyo ni Dad, hindi para magpa-alaga ng sariling anak sa loob ng pamamahay natin.” Naupo si Mommy sa kaniyang chaise lounge, kalmado lang siya. Nakakairita ang pagiging kalmado niya kapag seryoso ako. “Lucien, relax. Althea is very efficient. In fact, she’s the best nurse we’ve had in years. Hindi niya pinapabayaan ang trabaho niya,” sagot niya nang hindi man lang tumitingin sa












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Rebyu