Sabi nila, ang pagiging nurse daw ay isang noble profession. Marami kang maililigtas na buhay, marami kang mapapangiti, at siyempre, kailangan mong maging matatag kahit puyat ka na. Pero ang hindi nila sinabi sa textbook? Ang pagiging nurse na single mom ay parang pagtakbo ng marathon habang may dala-dalang dalawang galon ng tubig habang naka-duty ng labindalawang oras. Ganap na nurse na ako sa Villanueva Medical Center. Salamat sa suporta ni Sir Adrian, na hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil sa pag-aalok ng kape at minsan, hapunan, ay nakakaraos naman ako. Pero aminin natin, ang hirap. Ang hirap pagsabayin ng pag-aalaga sa mga pasyente at pag-iisip kung ayos lang ba si Aeron sa bahay. Kumuha ako ng tagabantay, si Aling Maring, para kahit papaano ay may tumingin kay Aeron habang nasa shift ako. Pero siyempre, hindi libre ’yun. Sa bawat sahod ko, parang dumaan lang sa palad ko ang pera. Renta sa bahay, kuryente, tubig, gatas, diaper, at sahod ni Aling Nena. Minsan, nakatitig
Last Updated : 2026-05-08 Read more