Sumikat ang araw at dumaan ng tahimik ang umaga.Nagising si Amanda at nakitang maliwanag na ang paligid. Paglabas niya ng kwarto para mag-ayos, nakita niya si Jonathan na nakaupo sa sofa ng suite habang naghihintay sa kanya."Gising ka na pala? Nag-order na ako ng breakfast, kainin mo na habang mainit pa," sabi nito habang itinuturo ang pagkain sa table.Umupo si Amanda at nagsimulang kumain nang hindi na nag inarte pa. "May gagawin ba ako ngayon? Akala ko ba trabaho ang sadya natin dito?"Ngumiti si Jonathan… "Mayroon.""Ano naman?""Ang alagaan ako," seryosong sagot nito.Halos maibuga ni Amanda ang iniinom niyang gatas. Seryoso ba ito? Ano siya, bata o may sakit para alagaan?"Assistant ang trabaho ko, hindi nurse," depensa niya."Kasama sa trabaho mo ang sumunod sa akin," banat ulit ni Jonathan bago tumayo. "Bilisan mo nang kumain dyan, ipapasyal kita mamaya."Pagkatapos kumain, nagtungo sila sa ilang sikat na tourist spots sa M-country kasama ang isang local guide. Nang sumapit a
Read more