Habang kumakain sila, halo-halo ang emosyon na nararamdaman ni Amanda.Dalawa lang ang pagpipilian ko ngayon: ang sabihin ang totoo kay Jonathan na matagal na kaming hiwalay ni Warren, o kaya ay tapusin na ang relasyon namin para wala nang gulo.Dahil kung aabot ng isang buwan at mangialam ito, masisira ang lahat."Let's go," sabi ni Jonathan nang matapos silang kumain.Tumayo na rin siya, pero bigla siyang napatigil. "Teka, hindi pa pala tayo nagbabayad."Akala niya ay libre ang lahat, pero naalala niyang siya ang nag-insist na siya ang manlilibre ngayong gabi. Kahit masakit sa bulsa, handa na sana siyang i-swipe ang credit card niya."I already settled the bill," kalmadong sabi ng binata.Nagulat si Amanda. "What? Kailan mo binayaran?""Noong nag-reserve ako ng table dito, bayad na ang lahat."Natahimik siya. Bakit hindi niya sinabi agad? Pinag-isip niya pa akong mamroblema sa aabutin ng bayarin!"You're impossible!" inis na reklamo niya.Natawa si Jonathan. "If you really
Read more