Pero para kay Jonathan, ang pagiging strikto ni Amanda sa mga hangganan ay patunay lang na wala itong seryosong nararamdaman para sa kaniya. Para rito, isa lang talaga siyang panandaliang aliw.Uminit ang ulo ng binata. "I bought this while I was abroad, wala akong ibang ibig sabihin! Kung ayaw mo talaga, eh di itapon mo!""Itapon?" gulat na tanong ni Amanda.Limang daang libong piso na bag, itatapon lang nang ganon-ganon lang?"Everything I give is mine to dispose of," mayabang na sagot nito."Fine, ikaw ang bahala!" inis na sabi ni Amanda bago ibinalik ang bag sa kwarto at inayos sa ibabaw ng lamesa.Dahil sa insidenteng iyon, nagkapikunan na naman sila. Wala na siyang balak pang magtagal doon, kaya kinuha niya ang gamit niya at mag-isang umuwi sa sarili niyang apartment sa Hairun International.Magmula nang gabing iyon, pumasok sila sa isang silent cold war.Sa kumpanya, boss at assistant lang ang turingan nila. Walang personalan, walang landian. Hindi na rin siya kinukulit
Read more