BEATRICE'S POV "Akala siguro ng asawa ko, dinala ko na sa pagtulog ang pagiging kalmado ko kanina."lumubog na lang ang araw, nanatili pa rin akong nakahiga sa kama ko, at buong araw natulog. Kailangan kong mag-ipon na energy, dahil bukas simulan ko na ang gusto kong gawin dito sa rancho.Pagkasara na pagkasara ng pinto ng silid matapos akong iwan ni Caspian para asikasuhin ang trabaho niya, mabilis kong hinablot ang cellphone ko sa ibabaw ng nightstand. Humiga ako ng patag—dahil masakit pa rin talaga ang balakang ko, lintik na Caspian 'ya. Agad kong tinawagan ang dalawa kong kaibigan dahil namimiss ko na rin sila. Lalo na si Tricia, sana talaga hindi yon busy sa turkey.Hindi pa nakakalipas ang tatlong ring, sumagot na ang dalawa, napahinga ako ng maluwag."OMG, Betty! Napatawag ka?" bungad agad ni Patricia, halatang kakarating lamang sa condo nito galing sa ospital, dahil naka suot pa ito ng puting uniforme."Teka, bakit nakahiga ka pa? At nakasungaw 'yang lace ng silk robe mo, ha!"
Read more