CASPIAN'S POV Hindi ako gaano na convince sa sinasabi ni dad, kaya noong pumasok ang nurse na tumingin sa aking kalagayan, nag pasya akong magtanong upang malinawan ako. “Nurse, sino ang naka confine sa katabi ng room na ito?”tanong ko sa nurse ng matapos niya'ng e check ang vitals ko. “Sa kaliwa ba or kanan sir?”magalang na tanong ng nurse sa akin. “Hmm, basta yong merong mga bodyguards na nagbabantay sa labas ng room,”sabi ko na lang dahil hindi ko alam, kung sa kaliwa or kanan ba. “Hmm ahh, si Emelio Monte mayor po sir,”casual na sagot ng nurse. Ngumiti ako ng tipid dito. “Ahh thanks,”wika ko habang mahigpit na kumuyom ang aking kamao. “Damn it!”naging balisa ako sa nalaman ko, at gustong puntahan si Beatrice at kunin ito doon. Hindi ko matanggap na siya ang inaalagaan ngayon ni Beatrice. Dapat dito siya, dahil nandito ang future husband niya, dapat ako ang inaalagaan niya at hindi yong walang hiya na lalaki. Gusto kong magwala sa aking nalaman, na imagine ko pala
Magbasa pa