BEATRICE'S POV Nakasimangot ako habang naka-upo sa passenger seat, at napatingin sa kawalan. Nakakabingi ang katahimikan sa loob ng kotse, walang ni isa sa amin ang gustong magsalita. Minsan sumulyap ako kay Caspian na tahimik at nasa daan ang mata nito. Paano ba kasing hindi mapasimangot eh, ang aga ni mommy na binulabog ang tulog ko, gusto ko pa nga’ng matulog, dahil sobrang napuyat ako ka gabie. Hindi ko napigilang napahikab saka napahawak sa aking tiyan ng magreklamo ang mga alaga kong bulate sa loob. “You're starving Right?”napa-lingon ako ni Caspian ng magsalita ito, ngunit hindi man lang ako binalingan ng tingin kahit sulyap kaya napa-irap ako. Iwan ko ba hindi ko maintindihan ang situation namin, minsan comfortable sa isat-isa, minsan naman parang tangang hindi nagpapansinan at nagka-ilangan sa isa't-isa.“Ikaw ba naman ang walang dinner, tapos hindi man lang nag breakfast,”nakangusong sagot ko.“Wala tayong magagawa, eh maaga tayong tinawagan nila mommy mo, dahil doon na
Magbasa pa