GABI na sila nakauwi, nakatulog na si Loyalty sa sobrang pagod. Nang huminto ang van sa harap ng mansyon ay napatingin silang lahat sa dalaga.“Napagod na ang ating si Buntis…” nangingiting sabi ni Margarita.“Oo nga po, grandma,” sabi rin ni Kyle.“Gisingin ko na lang si Loyalty. Ako na po ang bahala sa kanya,” prisintang sabi ni Carla.“No, Carla. Huwag mo siyang gisingin. Ako na ang bahala sa kaibigan mi. Bubuhatin ko na lang siya.” Mabilis na sabat ni Kyle.Nagulat si Carla saka napatingin sa kaibigan na mahimbing pa rin ang tulog.Nagulat si Carla saka napatingin sa kaibigan na mahimbing pa rin ang tulog."Sir Kyle, okay lang naman na gisingin si Loyalty. Baka mabigatan kayo," nag-aalalang sabi niya.Umiling si Kyle."Hindi mabigat si Loyalty."Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto ng van. Maingat niyang ipinasok ang isang kamay sa likod ng dalaga at ang isa naman ay inilagay sa ilalim ng mga tuhod nito."Ingat, iho. Buntis si Loyalty,” paalala ni Doña Margarita."Opo, Grandma."
Magbasa pa