تسجيل الدخولKITANG-KITA ang saya sa mukha ni Kyle habang hawak nito ang kamay ni Felicity. Nasa likuran nila sina Loyalty, Carla at Magda. Pinagmamasdan ni Felicity ang asawa niya. Bumaba ang mata niya sa kamay nila ni Kyle na magkasalikop. Alam niya na ang saya sa mukha n Kyle ay dahil kay sa anak nila ni Loyalty. May kirot na dumaan sa dibdib ni Felicity. Pero hindi niya iyon ipinahalata. Sa halip ay mas hinigpitan lang niya nang kaunti ang pagkakahawak sa kamay ng asawa. Napalingon si Kyle sa kanya. "Are you okay?" Pinilit ni Felicity na ngumiti. "Yes." Hindi na siya nagtanong pa. Muli nitong ibinalik ang tingin sa ultrasound picture na hawak niya. Halata sa mga mata nito ang pananabik at saya. Napabuntong-hininga nang marahan si Felicity. Ganito pala ang hitsura ng isang lalaking unang beses na magiging ama... Hindi niya maipagkakaila na masaya rin siya. Matagal niya ring ipinagdasal ang batang iyon. Anak man iyon ni Kyle at Loyalty, bahagi pa rin iyon ng pamilya Marasigan. Lumapit
ANIM na buwan na ang tiyan ni Loyalty. Hawak ni Felicity ang kamay ni Loyalty, nasa likuran nila sina Carla at Magda. Papunta sila sa OB ni Loyalty. Ngayon nila makikita ang gender ng anak ni Kyle. “Excited na akong malaman ang gender ng magiging anak niyo ni Kyle, Felicity…” nasabi ni Magda. Binalingan ni Felicity ang kanyang kaibigan. “Ako rin. Napangiti si Magda. "Sana healthy ang baby." "Iyon ang pinakamahalaga," sagot ni Felicity habang marahang hinahaplos ang kamay ni Loyalty. "Babae man o lalaki." Napatingin si Loyalty sa kanilang magkaibigan. Hindi pa rin siya sanay sa kabaitang ipinapakita ni Felicity sa kanya nitong mga nakaraang buwan. Mula noong naging pag-uusap nila, unti-unti nang nagbago ang lahat. Hindi sila naging magkaibigan, pero natuto silang respetuhin ang isa't isa. Mas naging maingat din si Loyalty. Hangga't maaari ay iniiwasan niya si Kyle at tinupad ang pangako niya kay Felicity. "Kumusta ka?" tanong ni Felicity. "Okay lang po ako," nakangiting sag
NATULALA si Loyalty. Totoo bang hindi galit sa kanya si Felicity? “T-Totoo po ba? Kasi alam ko kung gaano kayo nasaktan. Hindi po ako magagalit kung sisigawan ninyo ako o mumurahin,” sabi ni Loyalty. “Dinadala mo ang magiging anak namin ni Kyle. Alam ko na alam mo na ako pa rin ang dapat na matira sa mansyon. Aalis ka pagkatapos na ipanganak mo ang anak namin.” Marahang tumango si Loyalty. “Hindi ko po iyon nakakalimutan. Sa ating dalawa, ikaw pa rin ang pipiliin niya dahil kasal kayo. Dapat pong ipaglaban niyo ang pagiging legal wife niyo kay Sir Kyle.” Nagtagal ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Tinitigan lamang siya ni Felicity. Hindi niya mabasa kung ano ang nasa isip nito. "At ikaw?" mahina nitong tanong. "Kaya mo bang umalis kapag dumating na ang araw na iyon?" Napayuko si Loyalty. Napahawak siya sa tiyan niya. "Oo po," mahina niyang sagot kahit kumirot ang dibdib niya. "Iyon naman po talaga ang napag-usapan sa kontrata." "At si Kyle?" Napapikit sandali si Loya
NAGTATANONG ang mga tingin ni Carla kay Loyalty. Parang nanghihingi siya ng permiso sa kaibigan kung bubuksan ba niya ang pintuan o hindi.“Ano buksan ko ba ang pinto? Kakausapin mo ba si Ma’am Felicity?” Usisa ni Carla.“Hindi ko rin alam ang isasagot ko. Paano ko siya kakausapin?” sagot ni Loyalty.“Kahit ano pa ang sabihin ni Ma’am Felicity sa iyo huwag mong papatulan. Hayaan mo siya…”Tumango si Loyalty at huminga nang malalim. “Sige, pakibuksan ang pinto…” Utos niya at inihahanda ang sarili sa posibleng sabihin sa kanya ni Felicity.Tumango si Carla bago dahan-dahang lumapit sa pinto.Huminga muna siya nang malalim saka iniikot ang doorknob.Pagkabukas ng pinto ay bumungad sa kanya si Felicity. Maayos na nitong naayos ang sarili ngunit halata pa rin ang pamumula ng mga mata nito."Good afternoon, Ma'am," magalang na bati ni Carla.Mahina itong tumango."Can I come in?"Napalingon muna si Carla kay Loyalty. Tumango si Loyalty bilang pagsang-ayon."Please come in, Ma'am."Pumasok
HUMAHAGULHOL nang malakas na iyak si Felicity. Naunang lumabas si Kyle sa library at naiwan siya. Ang sakit na isiping wala na ang pagmamahal sa kanya ni Kyle.“Iyong iningatan kong pagsasama, ang kasal ko at ang pagmamahal ko... lahat ng iyon ay wala nang kuwenta. Sinira mo ang lahat, Loyalty!” Usal niya habang kuyom ang kanyang kamao.Mga ilang minuto na nag-stay si Felicity sa loob ng library. Gusto lang muna niyang ilabas ang lahat ng kanyang sama ng loob. Sobrang wasak ang puso niya sa mga nangyayari. Wala na pala siyang asawa na babalikan.Nang pakiramdam niya ay wala na siyang iluluha pa ay pinunasan niya iyon at inayos ang sarili. Sinuklay ng kanyang dakliri ang buhok na nagulo at ang damit na nagusot. Hindi siya dapat magpakita na siya ang talo. Siya ang legal na asawa dapat siya ang dapat siya ang manatiling matatag.Huminga siya nang malalim bago binuksan ang pinto ng library.Paglabas niya ay sinalubong siya ni Magda na kanina pa pala naghihintay sa labas. Nang makita ang
“SA akin ka na lang magalit, Felicity. Ilabas mo si Loyatly dahil ako naman talaga ang may pagkakamali” Hindi nakapagsalita si Felicity. Sobrang pino-protektahan ni Kyle si Loyalty sa kanya na parang siya ang lumalabas na masama. Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata. “Pero pareho kayong may kasalanan sa akin. Iniisip mo ang mararamdaman ni Loyalty, pero ako ba.. naisip mo kung anong mararamdaman ko kapag nalaman ko ang ginawa ninyong panloloko!” Napayuko si Kyle. Hindi niya maitanggi ang sinabi ni Felicity. May punto ito. "You're right," mahina niyang sabi. "Nasaktan kita. At wala akong maidadahilan para roon." Napaluha si Felicity. "Akala ko... ako ang uunahin mo. Ako ang asawa mo, Kyle." Humugot ng malalim na hininga ang lalaki. "Hindi ko kailanman ginustong saktan ka." "Pero nasaktan mo pa rin ako. Nagawa mong kalimutan ang pinagsamahan natin. Kung paano mo ako minahal noon, lahat iyon parang inaalis mo sayo.” Natahimik silang dalawa. Pagkaraan ng ilang sandali a
KABADO si Loyalty habang nakaupo sa gilid ng kama. Sumasagi sa isip niya ang gagawin niya. Wala siyang alam dahil wala pa naman siyang karanasan. Naisipan niyang tawagan si Carla. Alam niyang may sagot ang kaibigan sa kanyang mga katanungan. Nang magring ang phone ay sinagot agad ito ni Carla. "
NAPATULALA si Loyalty. Magiging surrogate mother siya ang magdadala at magbubuntis ng sanggol para sa mag-asawang hindi kayang magkaroon ng sariling anak."Loyalty, I know na labag ito sa iyong kalooban. Pero desperado na ako. Don't worry about everything. Lahat ay ibibigay naming mag-asawa. Pumaya
WALA pa ngang isang oras ay may dumating para sunduin si Loyalty. Sakay na siya ng isang magarang sasakyan. Hindi niya alam kung saan ang kanilang punta. "Kuya, puwede pong magtanong?" tanong ni Loyalty. Nahihiwagahan lang siya. Ang akala niya ay isa siyang encoder. Pero hindi niya alam na iba
MASAYA si Loyalty nang umuwi sa bahay ng tiyahin niya. Nabugaran niya agad ang tiyahin na nakatayo sa pintuan. "Ano, Loyalty, may nakuha ka na bang trabaho? Aba, ilang buwan ka na rito sa bahay palamunin ka pa rin. Nakiusap ang Inay mo sa akin na rito ka tumira sa bahay ko. Pero hindi ko sinabi n







