NAKAUPO si Larry sa labas ng ICU. Nakatitig siya sa pintuan. Hindi siya pinayagang manatili sa loob nang matagal. Kaya doon na lamang siya naghihintay, mag-isa. Hindi niya alam kung kailan magigising si Felicity. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. "Larry..." Napalingon siya. Nakatayo sa pintuan si Magda. Agad na nagbago ang mukha ni Larry. "Kumusta ang pakiramdam mo?" Lumapit si Magda. "Naoperahan na pala si Felicity. "Kagabi pa." "Gusto kong makita si Felicity. Malaman ang sitwasyon niya," sabi nj Magda. Simula noong maaksidente sila, hindi pa niya nakikita ang best friend. "Hindi ka puwedeng pumasok, bilin ng doktor," sabi ni Larry. "Bakit?" "ICU siya, Magda." Sagot ni Larry. Napatingin si Magda sa pintuan. "Hindi ko inaasahan na ganoon kalaki ang aksidente namin." Hindi sumagot si Larry. "Naoperahan na siya. Sana magtuloy-tuloy ang recovery niya para mag-out of danger. Makaligtas lang si Felicity, magbabago na ako. Pero kung hindi pa siya gumaling, dalhin ko siya sa
Leer más