ISANG normal na araw ang nagdaan, natapos ang buong araw ni Loyalty. Maraming pasyente sa clinic niya. Dumaan ang buong araw na hindi niya maayadong maisip ang mag-ama. Nai-busy niya ang kanyang isip sa trabaho. Gumana naman. Pero ngayon na nakauwi na siya. Muling bumabalik kay Loyalty ang kanyang anak. "Anak, kumain ka na. Ipinaghanda na kita ng pagkain mo," sabi ni Wella sa anak. Tumingin siya sa ina, ngunit malungkot ang kanyang mga mata. "Salamat po, Nay... pero hindi po ako gutom." Umupo si Loyalty sa gilid ng mesa, hinawakan ang kanyang kamay. "Nay, nami-miss ko na po agad ang anak ko. Tuwing uuwi ako, parang kulang ang bahay." Hinaplos ni Wella ang kanyang pisngi. "Alam ko, anak. Ramdam ko rin. Pero huwag kang mag-alala, darating ang araw na magkakasama kayong muli. Kayong mag-ina, di ba nga sabi ni Kyle... puwede kang dumalaw kay JK." Napabuntong-hininga siya. Tumingin siya sa bintana, kung saan nakikita ang madilim na kalangitan. "Sana po... sana nararamdaman nila na
Mehr lesen