MALUNGKOT na nakatingin si JK sa kinikilalang ina. Nasasaktan si Kyle na makitang nasasaktan ang kanyang anak dahil walang reaksyon si Felicity kay JK noong makita nito. Walang maalala ang dating asawa sa kanyang nakaraan. "Daddy, bakit ganoon po si Mommy? Hindi ko siya maramdaman. Hindi po ba siya excited na makita ako?" tanong ni JK, hindi pa rin inaalis ang tingin sa ina. "JK, may sakit ang Mommy. Wala siyang maalala." "Pero, anak niya ako. Kahit na wala siyang maalala mararamdaman niya po na may connection kami. Mommy ko po siya, e," sabi ni JK. Napatingin si Kyle sa anak. Hindi niya agad nasagot si JK. Bata pa ito pero may punto ang sinasabi nito. Kahit siya ay umaasa na baka may maramdaman si Felicity nang makita ang sariling anak. Pero wala. Ang tanging nakita niya sa mukha ng dating asawa ay pagtataka. Parang ibang bata lang si JK sa paningin nito. Lumapit si Kyle sa anak at hinawakan ang balikat nito. "Anak, hindi ibig sabihin na hindi ka mahal ng Mommy mo," mahinaho
Leer más