"GRANDMA..." masayang tawag ni JK. Kauuwi lang nito ng mansyon galing sa eskwelahan."How is school, apo?" Magiliw na tanong ni Mina sa kanyang apo."Okay lang po, Grandma..."Hinalikan ni Mina si JK sa pisngi."Magbihis ka na at nang makapagmeryenda ka. Patulong ka kay Yaya..."Tumango si JK at agad na tumakbo papunta sa hagdan."Opo, Grandma!""Mag-ingat ka," paalala ni Mina."Yes, Grandma!"Natawa si Mina habang pinagmamasdan ang apo. Ngunit bago pa man siya makabalik sa sala, narinig niya ang yabag ni Kyle mula sa hallway."Mom."Napalingon si Mina."You're home early.""Gusto kong bumawi kay JK. Lately, naging busy po ako sa kompanyan. Kaya kailangan kong bumawi sa anak ko," sagot ni Kyle.Umupo ito sa sofa at kinuha ang cellphone niya."Nasaan po si JK?""Nagpapalit ng damit. Kauuwi lang niya galing school." Sagot ni Mina sa anak.Tumango si Kyle. Maya-maya ay narinig nila ang mabilis na pagbaba ni JK mula sa hagdan."Grandma! Daddy!"Agad na tumakbo si JK papunta sa ama."Easy,
Mehr lesen